Pagkatapos ng mahabang taon ng pagkakalayo, nagkita ang mag-amang Dennis da Silva at Faith da Silva nang bisitahin ng Kapuso actress ang at ng kanyang kapatid na lalaki ang kanilang ama na nakakulong sa Muntinlupa Cty Jail.
Ibinagi ni Faith sa kanyang Instagram page ngayong araw (Dec. 20) ang larawan ng reunion nilang mag-aama at sa caption ay nagpasalamat siya sa Diyos at sa mga taong tumulong sa kanila para mangyari ito. “Thank you God for this heart warming gift this Christmas. Grateful for @kuyakim_atienza and General Gregorio Catapang for making this happen,” caption ng GMA Sparkle artist.
Ipinost naman ng Sparkle ang video ng madamdaming pagkikita ng mag-ama kung saan ay makikitang napaiyak si Faith habang mahigpit silang magkayakap ng tatay.
Matatandaang inaresto si Dennis 20 years ago sa kasong rape and child abuse.
In 2020, he was found guilty and was sentenced to life imprisonment.
Sa past interviews ni Faith ay sinasabi niyang simula nang arestuhin ang kanyang ama when she was two years old ay hindi na sila nagkita.
Nabanggit din ng Kapuso actress sa isang panayam sa Fast Talk with Boy Abunda na noong una ay ikinahihiya niya na nakakulong ang kanyang ama. “Kinahiya ko lang naman noon dahil hindi ko naiintindihan kung ano ‘yung mga nagyayari,” she said.
Pero aniya ay matagal na rin niyang napatawad ang kanyang ama.
Alessandra, natural ang pagiging nanay
Kahit hindi pa nagiging nanay si Alessandra de Rossi in real life ay nagustuhan niya agad ang kanyang role sa Metro Manila Film Festival 2023 entry na Firefly kung saan ay gumaganap siya bilang ina ng karakter ni child actor Euwenn Mikaell.
Aniya sa grand mediacon ng naturang pelikula held last Tuesday, ang script daw talaga ang nakapagpa-oo sa kanya sa proyekto. “Sobrang ganda ng kuwento, sabi ko nga para sa akin it’s something na ang tagal nang hindi nagagawa.
“Siguro dahil lahat tayo nalulunod sa comedy, romcom, wala na ‘yung mga pelikulang pambata. So, gusto kong gumawa ng ganong pelikula. So, sabi ko, it’s the perfect time,” pahayag ni Alex.
Natanong ang aktres kung paano niya pinaghandaan ang kanyang role, aniya ay wala raw siya talagang preparasyong ginawa.
“Hindi ako ma-prepare na tao. Kapag nasa shoot, iyon na ‘yon. Kasi gusto ko naturally na ma-process ko sana ‘yung character ko. Wala na akong kailangang i-prepare,” sey ni Alex.
Excited na nga raw siyang malaman kung ano ang magiging reaksyon ng mga taong manonood sa Firefly sa mga sinehan simula sa Dec. 25.
Wish niya raw ngayong Kapaskuhan na sana’y maraming tumangkilik sa pelikula gayundin sa iba pang entries sa MMFF 2023.