Ronaldo, naihatid na sa huling hantungan
Rest in peace Ronaldo Valdez. Iyan ang talagang hinahangad namin, ang matagpuan niya ang kapayapaang walang hanggan.
Naihatid na rin naman siya sa kanyang huling hantungan by now kung nasunod nga ang unang sinabi nilang schedule.
Kung ano ang nangyari ay nangyari at iyong mga bagay na hindi na dapat pang malaman ng publiko ay panatilihin na lamang nating ganoon.
Ang unang hindi namin maintindihan ay kung bakit nakunan pa ng video nang unang datnan ng mga pulis si Ronaldo sa kanyang bahay.
Ganoon na nga ang sitwasyon, bakit kailangan pang kunan ng video for documentation purposes. At bakit ang video na iyon ay kumalat pa sa social media?
Kung sino man ang nag-video noon ay siyang responsible sa pagkalat noon. Bukod doon may mga personal na usapan na lumabas pa, at iyon naman ay ipinost ng kanyang manager na si Jamella Santos.
May mga nagsasabing sa takbo ng usapan ang pag-alis ng kanyang manager ay maaaring nakadagdag sa depression ng 76 taong gulang na actor. Marami rin siyang pinagdaanan. Naoperahan pala siya dahil sa prostate cancer. Tinamaan pa siya ng COVID, at ang hindi natin alam nagkahiwalay na rin pala sila ng asawa niya.
Iyan ay mga bagay na walang nakakaalam pero nang siya ay mamatay, naglabasan lahat ang kuwento dahil lahat ay nag-iisip kung bakit siya na-depress at nagawa iyon.
Kung nakakausap mo naman si Ronaldo, masasabi mong siya ang taong napakapositibo ang pananaw sa buhay at alam namin iyan dahil ilang ulit na namin siyang nakausap nang masinsinan.
Isang mabuting tao nga si Ronaldo at ang hangad lang namin ay makamtan na niya ang kapayapaang walang hanggan.
Sharon, nabuking
Wala namang umiintriga sa relasyon ni Sharon Cuneta sa kanyang pamilya pero may lumalabas na sari-saring ispekulasyon dahil na rin sa mga maling statement na kanyang nabibitawan.
Noong mag-guest siya sa vlog ni Luis Manzano, may sinasabi siyang mga mabuting tao na nagsasama out of respect at alang-alang sa mga bata.
Hindi naman niya sinabing sila iyon pero may nagtatanong tuloy kung may problema ba sina Kiko Pangilinan at Sharon? May sinabi pa si Sharon ay ayaw na ayaw niya ng pulitika at ang kanyang asawa ay isang pulitiko.
Kung ayaw ni Sharon ng tsismis, dapat maging maingat din siya sa kanyang mga sinasabi.
Mga kahalayan, noon pa uso
“Simula nang mauso ang video sa mga cell phones dumami ang scandal,” laging sinasabi ng iba.
Pero ‘wag ninyong sisihin ang cellphones, nasa tao iyan kung gagawa sila ng scandal. Bakit ba noong araw hindi pa naman uso ang cellphones may mga gumawa na ng scandal?
Walang mangyayaring scandal kung hindi pinapayagan ng mga nakunan ng scandal mismo.
Kasi minsan ang gusto nila easy money eh kung nasisingitan naman sila ng mga mas mauutak, sila ang mapapahamak, tapos sisisihin ninyo ang cell phone?
- Latest