Melanie, naungkat ang mga pinasikat na quotes
Classic talaga ang iconic quotes ni Melanie Marquez na kung tawagin ay “Melanisms.”
Paliwanag ng former Miss International 1979 na bigla na lang daw niyang nasasabi ang mga iyon na ‘di niya sinasadya. Natutuwa naman siya na naaalala pa rin ang mga ito ng marami.
Pinakasikat niyang quote ay “Don’t judge my brother he’s not a book.” Kuwento niya na nasabi niya ito noong minsang maging panelist siya sa isang debate at nadamay ang pangalan ng kapatid niyang si Joey Marquez.
“‘Yung isa ang sabi, kung puwede raw may asawa ‘yung pinapatulan. Sabi ko ‘Hindi.’ Noong ‘hindi,’ may nagtatatalak doon sa kabila na fan. Nakalimutan ko ang saying na ‘Don’t judge by its cover.’ Ang nasabi mo ay ‘Don’t judge my brother!’ Sa likod ng isip ko ‘Melanie kumpletuhin mo ang sasabihin mo!’ Kaya ang nasabi ko agad ‘He’s not a book!’” tawa pa niya.
Isa pang kuwelang quote niya ay “I don’t eat meat, I am not a carnival.”
“Pinag-uusapan kasi nila ‘yung mga sheep, ‘yung mga lamb and everything. I really don’t eat that, eh meat sila, ‘di ba? So ‘yun, feeling ko talaga hindi ako ‘carnivalious,’” natatawang paliwanag ni Melanie na ang ibig niyang sabihin ay carnivorous.
Ang iba pang unforgettable quotes ni Melanie ay “Why should I have a calling card? I’m not a call girl! ,” “I won’t change my legs because I’m contented with my long-legged” at “ang tatay ko ang only living legend na buhay.”
Marvel at Disney actor, guilty sa pananakit sa jowa
Binitawan ng Marvel at Disney ang actor na si Jonathan Majors matapos na hatulan siya ng New York jury na guilty sa kasong pananakit sa kanyang dating nobya na si Grace Jabbari sa likod ng sasakyan.
Inalis na si Major sa mga dapat na future projects nito kabilang ang Avengers: The Kang Dynasty. Huling napanood si Majors sa Ant-Man and The Wasp: Quantumania.
Ilalabas ang sentensiya kay Majors sa Feb. 6, 2024, at maaari siyang makulong ng hanggang isang taon.
- Latest