^

Pang Movies

Janno, naidirek ang ama bago namatay!

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pang-masa
Janno, naidirek ang ama bago namatay!
Janno Gibbs at Ronldo Valdez

Binalikan namin ang birthday greetings ni Janno Gibbs sa amang si Ronldo Valdez na kaarawan noong November 27 at pumanaw noong Dec. 17.

Sa photo na ginamit ni Janno sa kanyang post, magkatabi sila ng ama at mukhang breaktime sa shooting ng pelikulang Itutumba Ka Ng Tatay Ko.

Si Janno rin ang director ng nasabing pelikula, his first directorial job at mas naging espesyal pa dahil kasama niya nga ang kanyang ama.

Anyway, sa last birthday greetings niya, “Happy Bday Papa! What a joy to share the screen with you. And such a privilege to have directed you. We had fun, didn’t we? Labyu. Our film arrivers in cinemas this January #fatherandson #bts.”

Sinagot ni Ronaldo ang post na ‘yun ni Janno at ang sabi, “Tnk U, Son! Do Me Proud!! Luv Ya!!!”

Ang daming bumati noon ng happy birthday kay Ronaldo, kaya nagpasalamat si Ronaldo. Hindi lang mga taga-industriya ang nagmamahal kay Ronalda pati netizens at kasama sila ng Gibbs family na nalulungkot at nagluluksa.

Hindi na mapapanood ni Ronaldo ang movie nila ni Janno na sa January 2024 nga ang showing.

Tatay ni sarah panay din ang putak

May unsolicited advice ang netizens sa tatay ni Sarah Lahbati, sana raw tumigil muna siya sa pagpo-post na halatang sine-shade si Annabelle Rama para matahimik na ang both parties. Ilang araw daw nanahimik si Annabelle, ang tatay naman ni Sarah ang post nang post.

Sa ganitong sitwasyon, malabo na raw maayos ang problema nina Sarah at Richard Gutierrez kung ang parents na nila ang nagpapalitan ng post na halatang patungkol sa isa. Comment nga ng isang netizen, “Pareho lang kayong tahulan ng tahulan. Tumigil na kayo.”

Pagtatanggol naman ng Team Sarah, si Annabelle ang nag-umpisa at tama lang na ipagtanggol si Sarah ng parents niya dahil parang hindi raw sasagot si Sarah.

Bale ba may bagong post si Annabelle na kahit walang binanggit na pangalan, tiyak daw na mati-trigger ang parents ni Sarah, kaya expect daw natin ang another round nang parinigan.

Miguel at Ysabel, nagtipid?!

Nakakatawa ang bardagulan ng Kapuso at Kapamilya fans dahil pati ang pagkain ng kwek kwek nina Miguel Tanfelix at Ysabel Ortega sa Parade of Stars ay naging dahilan ng sagutan ng dalawang kampo ng fans.

May nag-post kasi ng photo nina Miguel at Ysabel na nagmeryenda ng kwek kwek habang nasa parada at pati ang sahig kung saan sila nakatayo, pinansin din ng Kapamilya fans dahil puro gasgas daw.

Wala raw budget ang GMA Pictures at GMA Public Affairs sa float ng Firefly at sa meryenda ng cast.

RONLDO VALDEZ

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with