Alex, proud sa nose job!

Alex Gonzaga.
STAR/ File

Hindi na kailangang tanungin pa si Alex Gonzaga kung nagpa-enhance ba siya ng ilong dahil inamin na niya at pinost pa ang photo with her new nose na lalong nagpaganda sa kanya. “I say do what makes you happy! After so many years of contemplating, last month I finally decided to do it. Wala ng nakapigil. Now you nose! #filternomore #Belo.”

Pinuri si Alex ng netizen dahil hindi itinago ang nose job, unlike the other celebrities na kahit kita ang pagbabago sa mga ilong, super deny pa rin. Sabi naman ng iba, si Alex lang ang nagkaroon ng launching ng kanyang bagong ilong. Ang karamihang comments ay “Ganda mo” at may nagsabi namang naging hot si Alex sa new nose niya.

Hindi maiwasang negative ang dating sa nose job niya at ang sabi, “May the Lord forgive your sins sa kamangmangan mo at sa hindi ka kontento sa kung anong ipinagkaloob sa iyo ng Panginoob.”

May humirit pa na blessed na nga siya, hindi pa nakuntento, iba raw ang nagagawa kapag marami ang pera.

Ang iba naman, hinihintay ang magiging hirit ni Luis Manzano at mayroon namang nagtanong kung magkano ang ginastos niya sa kanyang bagong ilong.

Max at Pancho, hanggang chikahan lang

Natuwa naman ang mga nakabasa sa short convo ng ex-couple na sina Max Collins at Pancho Magno na mababasa sa Instagram ni Max. Pinost kasi ni Max ang reels sa Special Advance Screening ng Firefly na kung saan, may special participation siya bilang journalist na nag-interview kay Dingdong Dantes. Sabi niya, “Can’t wait for you to watch Firefly this MMFF. It’s such a heartwarming story about bravery, family & love. There’s a whole lot of adventure to experience, too! Sigurado ako na tatatak yung kuwento ni TonTon sa mga puso ninyo paglabas niyo ng cinehan. Suportahan niyo po kami this December 25 please. Maraming salamat sa lahat na nagpunta. Mabuhay ang pelikulang Pilipino!”

Comment ni Pancho, “Congrats!” na sinagot ni Max ng “@magnopancho thank you.”

Sa simpleng comment na ‘yun ni Pancho, marami ang kinilig, pero wala kaming nabasa na gusto nilang magkabalikan sila ni Max. Masaya na sila na okay ang parents ni Skye at sana raw magpatuloy na maayos ang kanilang co-parenting status.

Special participation si Max sa entry ng GMA Pictures at GMA Public Affairs sa pelikula ni Director Zig Dulay, pero honored siya to be part of Firefly na siguradong pag-uusapan ng moviegoers.

Lynn, kinabog si Tirso

Nakakatuwa ang respective roles ng mag-asawang Tirso Cruz III o Pip at Lynn Cruz sa When I Met You in Tokyo dahil parehong best friend ng mga bida ang kanilang ginagampanang role.

Si Pip bilang si Edwin ay best friend ni Joey (Christopher de Leon) at si Lynn bilang si Anita ay best friend ni Azon (Vilma Santos). Sa kuwento ni Lynn, 17 days sila sa Japan sa shooting ng movie at nag-enjoy sila dahil parang hindi sila nagtrabaho.

Si Lynn, binalak mag-back out dahil ang feeling niya hindi niya kaya, pero hindi pumayag sina Vilma at Boyet at tinulungan pa siya para magampanan ang kanyang karakter. Chambermaid ang role nina Lynn at Vilma.

Artista na talaga si Lynn dahil kasama siya sa mga mediacon pati ‘yung ginawa sa Cebu at kasama rin siya sa mga mall show. Daig pa niya si Pip na sa mga photo sa mall show, parang hindi namin madalas makita.

Show comments