KathNiel, ‘di dinamay ang trabaho sa hiwalayan
“Nagkabalikan na ba sila?” ang tanungan ng mga tao nang makita nila na magkasamang muli sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla sa Christmas Special ng ABS-CBN.
Hindi sila nagkabalikan pero ‘di nila idinamay ang kanilang trabaho sa kanilang hiwalayan. Marami na rin naman daw ginawang attempt si Daniel na magka-reconcile sila simula pa noong September kung kailan pala sila talagang nag-split. Pero obviously nagdesisyon si Kathryn na tapusin na talaga ang kanilang relasyon.
Kailangan nilang gawin ang trabaho nila as professionals. Iyon ang dapat namang attitude talaga, hindi dapat madamay ang kanilang trabaho sa mga personal nilang usapan.
Nagpapakita lamang iyan kung gaano kapropesyonal sina Kathryn at Daniel, hindi nila hinayaang madamay ang kanilang career.
Dahil diyan lalo silang dapat hangaan. Kasi pinatutunayan nila na sila ay professional talaga.
Sarah, nilabas ang bagong biling kotse
Tinatawanan lang ni Sarah Lahbati ang mga akusasyong waldas siya sa pera.
Ngayon ay ipinapakita pa niyang may bago siyang kotseng Mazda na nagkakahalaga ng P2.4 milyon. Gusto niya iyon at sa tingin niya kaya naman niyang bayaran kaya nga siya nagtatrabahong muli eh ano ang pakialam ng kahit na sino kung papaano niya gustong gastahin ang pinagpaguran niya
Sa show business may kasabihan na ang isang artista ay dapat na mag-ipon nang mag-ipon dahil hindi mo masasabing habang panahon ay maganda ang kita mo.
Pero isang katotohanan din naman na napakaikli ng buhay at bakit nga ba hindi ka mag-e-enjoy sa buhay mo? Di bilhin mo kung ano ang gusto mo, after all ano nga ba ang gagawin mo sa pera mo.
Dumating man ang panahon na marami ka nang pera kung matanda ka na at hindi mo na masyadong kailangan iyon, maiisip mo rin sayang ang panahon na hindi mo na-enjoy ang iyong buhay noong kaya mo pa.
Gabby, nag-react sa mga sinabi ni Sharon
Nag-post ng isang GIF si Gabby Concepcion na ang hitsura ay isang character na tila ba walang pakialam sa mundo, na parang bilang reaksiyon sa post ni Sharon Cuneta na nagsasabing siguro hindi na sila magkakasamang muli sa ano mang proyekto matapos ang kanilang reunion concert dahil obvious naman apektado ang second family ni Sharon.
Kailangang paghiwalayin talaga ang pagiging isang propesyonal na artista sa kanilang personal na buhay.
Parang sinisisi ngayon ni Sharon ang fans dahil lumalabas na mas pabor sila sa love team nila ni Gabby kaysa sa pamilya niya.
- Latest