^

Pang Movies

Reunion movie wala nang pag-asa? Sharon, inaming ‘di na ulit sila nag-uusap ni Gabby

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
Reunion movie wala nang pag-asa? Sharon, inaming ‘di na ulit sila nag-uusap ni Gabby
Sharon Cuneta

Wasak ang puso ng ShaGab fans kahapon sa post / update ni Sharon Cuneta pagkatapos ng kanilang Dear Heart concert series na malamang na ito na raw ang huling pagkakataon na makikita silang magkasama.

Ang haba ng post ni Ate Shawie : “ Oooooookay everyone. Please ‘listen.’ I understand that so very many of you Sharon-Gabby fans are thinking, or hoping that we are ‘back together’ in some way or another. Reality check: We have not been in touch since our last concert, we do not talk, text, see each other. We are living totally separate lives and whatever has been going on in mine, he has absolutely nothing to do with, and vice-versa. I know that the concerts brought all of you back to happier times, but there IS a reason why we have not gotten back together since we broke up in 1987. He is my eldest daughter’s Papa and so he will always be a part of my life and history - but that’s about it. We just couldn’t, cannot live together because we have very, very little in common. The Dear Heart concerts might be the last you will see of us together for a long time or even ever. It’s just too complicated when our parties - and we - just somehow cannot communicate and agree on certain things both work-related and not. My team and I have gone above and beyond for him so that Dear Heart could be brought to you, our beloved fans. Now to those who may be reading this who apparently like bashing and hurting my children, please do not include them…they are basically private people, KIDS pa, and do not deserve all of your negativity. Di sila kasali dito, so I beg you, please stay away from them and leave them in peace. This kind of treatment you give my children is evil and so unwarranted. This is why I sometimes wish I had never married either Gabby or Kiko - because four innocent souls had to be dragged into their Mama’s complicated life…I beg you to please let them be and leave them alone. Thank you so very much for your understanding. God bless us all.”

Meaning wala nang pag-asa ang reunion movie nila?

Gerald at Julia, iniintrigang susunod na sa ‘sumpa’ ng five breakups...

Iniintriga ngayon sina Gerald Anderson at Julia Barretto na kasama sa parang sumpa diumano ng ‘Five Breakups and A Romance.’ Yup, dinadawit ‘yung pelikula nina Alden Richards and Julia Montes na umabot na sa P100 million mark.

Nauna na ngang naghiwalay sina Daniel Padilla / Kathryn Bernardo; Xian Lim / Kim Chiu; Richard Gutierrez / Sarah Lahbati at pasok diumano sa circle sina Mavy Legaspi / Kyline Alcantara.

Kaya ang natitirang slot daw, iniintriga nilang sina Gerald and Julia matapos kumalat ang photos nina Gerald at Barbie Imperial sa animo’y isang outreach program na magkasama.

Na kung sabagay ay event naman kasi ng Kapamilya kaya walang masama kung  magkasama nga sila na binigyan lang ng ibang meaning ng netizens.

Lately raw kasi ay napansin nilang kanya-kanya sina Gerald and Julia.

Kung sabagay, ngayon naman lahat may opinion at interpretation lalo na sa social media, as if manghuhula sila at alam ang mga nagaganap sa buhay ng kanilang idolo.

Aside from Gerald, maaalalang dinadawit din ang pangalan ni Barbie sa nangyari sa KathNiel.

Dennis, dinaan sa kanta ang COVID

May COVID pa rin talaga.

At kasama sa mga kinapitan ng virus ngayong magpa-Pasko, ang pamilya nina Dennis Trillo and Jennylyn Mercado.

Idinaan sa kanta ng actor ang pag-amin na nag-positibo sila sa COVID-19 pati ang anak nilang si Dylan. Gamutin natin ‘to by Den & Den ang title ni Dennis. “Oh, ito na nga, tinamaan din ako. Akala ko’y hindi na tatablan nito. Ba’t nag-positive ako? Gamutin na natin ito.

“May bago na ngang uso. Pati na ang misis ko… May COVID kaming tatlo.”

Parang Ben & Ben ang approach ni Dennis sa kanta na siya mismo ang nagigigitara at kumakanta habang naka-shades at may suot na Elmo headband.

“COVID is back Guys!,” aniya sa caption.

Dumarami ulit ang nagkaka-COVID. Ayon sa report kahapon ng Department of Health mayroong 1,821 additional COVID-19 mula Dec. 5 to 11 at nalampasan nito ang dami ng mga nagkaroon ng virus noong nakaraang linggo.

Ayon pa sa bulletin na nilabas ng DOH, may average na 260 cases ang naitatala na daily cases na ibig sabihin ay tumaas ito ng  36% from Nov. 28 to Dec. 4.

Ayon pa sa nasabing bulletin na lumabas, 13 doon ang severe and critical illnesses.

Aww. Kaya ingat pa rin talaga dapat. Oo nga at parang ordinaryong sakit na lang ito, pero kailangan mo pa rin namang mag-isolate para ‘di na makahawa kaya hassle pa rin.

Jinkee, walang hanggan ang pasasalamat sa house dedication ng kanilang mansion

Wow blessed na ang mansion nina Manny and Jinkee Pacquiao sa General Santos.

Bongga, talagang parang hindi nga mansion, hotel daw actually ang pattern sa laki.

Diumano ay worth P2 billion ang nasabing mansion ng mga Pacquiao sa kanilang home town.

Mismong si Jinkee ang nag-post ng ginanap na dedication nito. “House dedication. Thank You LORD for everything! Psalm 128:1-2,” aniya sa caption.

Dinagdagan niya ito ng “Walang hanggang pasasalamat.”

Jiggy Manicad, mapapanood na sa Frontline ng TV5

Mas pinalakas pa ang primetime newscast ng TV5 na Frontline Pilipinas dahil ang award-winning journalist at news frontliner na si Jiggy Manicad ay makakasama na bilang news anchor nito simula Enero 2024. Mula sa dalawang dekadang niyang paglilingkod bilang broadcast journalist, mas magiging malawak pa ang ihahatid na public service at news coverage ni Jiggy sa kanyang bagong misyon sa TV5.

Nakilala dahil sa kanyang dedikasyon sa paghahanap ng katotohanan at sa kanyang natatanging storytelling, bitbit ni Jiggy ang kanyang makulay na experience bilang journalist sa kanyang pagsabak bilang Frontline Pilipinas news anchor kasama sina Luchi Cruz-Valdes, Cheryl Cosim, Julius Babao, Ed Lingao, Lourd De Veyra, Kaladkaren, at Mikee Reyes.

“With the remarkable growth achieved by Frontline Pilipinas as a preferred choice of more Filipinos for accurate and timely news, bringing Jiggy onboard will not just add depth and experience to our primetime newscast, but it will more importantly bolster our capacity to provide the best kind of public service that our Kapatid viewers deserve,” pahayag ni TV5 President and CEO Guido R. Zaballero.

Mula sa pagiging field reporter hanggang sa maging anchor at corres­pondent, nagsilbing boses ng maraming Pilipino si Jiggy sa paghahayag niya ng istorya at balita tungkol sa mga ito.

“Jiggy is an exemplar of earnest, do-all-possible, get-to-the-bottom everyday reporting that broadcast journalists should follow. News5 can only get stronger with Jiggy in the team. He will up our game a couple of notches,” ani ng TV5 Head of News and Information na si Luchi Cruz-Valdes.

Mapapanood ang Frontline Pilipinas, Lunes hanggang Biyernes, 6:30 p.m. sa TV5.

 

SHARON CUNETA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with