^

Pang Movies

Aljur at AJ, ‘di pinag-interesan sa fake news

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa
Aljur at AJ, ‘di pinag-interesan sa fake news
Aljur at AJ

Ang lalakas talaga ng loob ng mga blogger na nagkakalat ng fake news. Ilang araw nang kumakalat na diumano nakipag-reconcile si Kylie Padilla sa kanyang asawang si Aljur Abrenica pero nagalit daw si Robin at nang makaharap si Aljur ay nasapak kaya nasa ospital.

Doon naman daw sa ospital dumating si AJ Raval pero hindi man lang nasilip si Aljur dahil hindi pinayagan ni Kylie. At nakiusap pa raw ang ama noong si Jeric Raval kay Kylie na payagan ang kanyang anak na si AJ na makita man lang si Aljur alang-alang sa anak ng dalawa.

Kung sino ang utak ng fake news matindi ang sira ng tuktok. Una bakit sasapakin ni Robin si Aljur at maoospital iyon?

Bakit susugod si AJ sa ospital at bakit sasabihing payagan siya alang-alang sa anak nila eh hindi naman inamin ni AJ na nabuntis siya ni Aljur bagama’t may ganoon ngang tsismis noong araw.

Isa pa sino pa ba naman ang interesado sa mga ganyang balita eh matagal na rin namang nabura ang popularidad ni Aljur at si AJ naman ay hindi na rin sikat dahil mas marami na ngayong sexy sa Vivamax.

Joey, may pasaring sa res-fake?!

“Well I don’t expect respect from res-fake.” Iyon lang ang nasabi ng komedyanteng si Joey de Leon matapos na tanggapin ng The Intellectual Property Office of the Philippines (IPOPHL) ang kanilang pagrerehistro ng trademark na Eat Bulaga sa ilalim ng category 41 ibig sabihin ay gamit noon sa entertainment. Iyan ay ginawa matapos na kanselahin din ng IPOPHL ang trademark registration ng Tape Inc. para sa nasabing trademark na sinasabi nilang napatunayan nang intellectual property nga ng TVJ.

Si Paolo Contis kagaya noong una ay siya na namang napagbuntunan ng bashing ng netizens at kung noong una ay tila may respeto pa si Paolo sa pinalitan nilang TVJ, sa tono ng kanyang salita ngayon ay palaban na siya.

Hindi mo rin naman siya masisisi dahil baka iyon ang ipinasasabi sa kanya ng kanyang mga amo at natural susunod na siya dahil after all simula naman nang magsimula siya sa gedli ay antipatiko na siya sa publiko.

Kung iisipin din naman karapatan ng Tape na umapela nang umapela kahit na matalo sila nang matalo at habang umaapela sila hindi sila mapipigil na gamitin ang title na Eat Bulaga kahit na wala na silang hinahawakang trademark.

Survival ang ipinaglalaban ng mga Jalosjos. Kung mawawala na sa kanila ang Eat Bulaga na siya namang mangyayari talaga mabubura na rin sila sa Philippine television.

Hollywood actor Ryan O’Neal, pumanaw na

Yumao na pala ang Hollywood actor na si Ryan O’Neal na sumikat nang husto noong early ‘70s nang ipalabas ang pelikula niyang Love Story. Bagama’t isang kano naging hit dito sa atin ang pelikula niya at akala mo matinee idol din siya sa Pilipinas dahil naging crush siya noon ng maraming mga kabataang babae. For a while nalaos ang mga local matinee idols dahil kay Ryan O’Neal na talagang sumikat nang husto rito sa atin.

Pero iyan ay matagal na panahon na. Siya ay 82 years old na nang mamatay noong Biyernes, Dec. 8, sinabi ng kanyang anak, na ngayon ay isang sikat na sportscaster na rin sa America na si Patrick O’Neal na naging mapayapa ang pagpanaw ng kanyang ama.

Si Ryan ay may sakit na leukemia at prostate cancer na naging dahilan ng kanyang kamatayan. Iyong mga kasing edad namin ang umabot kay Ryan O’Neal. Na naging bida rin sa What’s Up Doc at Main Event kasama si Barbra Streisand.

vuukle comment

AJ RAVAL

ALJUR ABRENICA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with