Wow, hindi na lang basta Pang Masa, Pangmatagalan na ang labanan.
Hindi madali ang pinagdaan ngayon ng print media, sa totoo lang.
Parang nakakapagod minsan dahil nga ibang klase ang social media platform.
Pero walang sukuan, laban lang. Hindi mapapagod. Laging dapat lalaban at hindi patatalo.
Ganito ang laban ng PM, sa pangunguna ng aming mabait at magaling na boss, si Mr. Miguel Belmonte.
Gagawin ang lahat para sa mga nanatiling may sampalataya sa print media kasabay ng pakikipagsabayan sa digital media platforms.
Kaya walang bibitaw, kapit lang dahil paparating na ang masa bonggang Pang Masa para sa lahat ng Pilipino sa buong mundo.
Sofia, ‘di invited sa wedding ng kapatid ng jowa?!
May ilang nalungkot na DonBelle fans dahil absent si Belle Mariano sa wedding ng sister ni Donny Pangilinan na si Ella Pangilinan na si Enrique Miranda. Pero dumating daw pala ito at humabol lang sa reception.
Aside from Belle Mariano, hinahanap din dun si Sofia Andres na partner ng brother ng groom, Daniel Miranda.
Old rich ang pamilya Miranda, kabilang sila sa maimpluwensiyang Lhuillier family.
Joel Cruz, na-’scam’ sa PFW?!
Kakaiba rin ang atraksyon ng Paris Fashion Week na impluwensya ni Heart Evangelista sa mga Pilipino.
Lahat ng mga may pera ngayon, gusto nang rumampa Europe fashion event na ito talaga namang sikat sa buong mundo.
At kasama sa mga pangarap sanang makaawra rito ay ang perfume magnate na si Joel Cruz.
Pero masaklap diumano ang kinahinatnan at malamang na mauwi pa sa demandahan ng nasabing pangarap ni Joel Cruz.
Ang chikang narinig ko, nabudol diumano ito ng isang designer na naningil ng P4 million kapalit ng pangakong makakarampa siya (Joel) at mga anak sa Paris Fashion Week – maka-attend sa mga haute couture event at hahabol-habulin ng mga paparazzi.
Wala raw natupad sa ipinangako ng nasabing designer kapalit ng apat na milyong piso.
Kaya diumano, iniisip ngayon ni Joel Cruz na idemanda ito, ayon sa isang source.
Si Heart ang nagbukas ng pinto sa mga nangangarap makarating sa Paris Fashion Week.1
Siya ang unang nakilalang Pinoy doon na ngayon ay kahit mga celebrity ay pangarap na ring makilala at makapagsuot ng mga luxury brand tulad ni Pia Wurtzbach na nagiging kamukha na talaga ni Heart.
Kabilang ang Paris Fashion Week sa sinasabing apat na importanteng fashion weeks.
Ayon sa https://fashionunited.com/ : “There are four important fashion weeks, often referred to as the “Big 4”: New-York, Paris, London and Milan. But what many may not know is that Paris is home to the industry’s first-ever organized fashion week. Since its inception in 1973, the event is an unmissable rendezvous for all fashion lovers, both in France and worldwide. While the official title is “Semaine des Créateurs de Mode”, the maxim Paris Fashion Week (or PFW) is the most commonly used expression.”
Sinubukan kong hingan ng kumpirmasyon tungkol dito si Joel, pero wala pang sagot ang kanyang PR officer habang sinusulat namin ito.