Viral ngayon sa social media ang reaksyon ni Kim Chiu sa It’s Showtime habang kinakanta sa programa ang kantang Malaya na pinasikat ni Moira dela Torre.
Sa EXpecially for You segment ng show ay kinantahan ang dalawang participants ng song na Malaya at nahuli ng camera si Kim na super lungkot habang nakikinig ng song.
Nang makita ni Kim na kinukunan siya ay nahihiya siyang nagtakip ng mukha.
Dumagsa sa social media ang simpatiya kay Kimmy ng netizens at nagbigay rin sila ng inspiring and comforting messages sa aktres.
Ang pinanggagalingan ng suporta ng tao kay Kim ay ang napapabalitang paghihiwalay nila ng long-time boyfriend na si Xian Lim although sa ngayon ay wala pa naman silang pahayag tungkol dito.
Napapabalita ring sila na ni Paulo Avelino pero may chika namang nagkabalikan sina Paulo at Janine Gutierrez.
Vice, ‘di kayang magsaya sa nangyari sa KN
Hanggang ngayon daw ay malungkot pa rin si Vice Ganda sa paghihiwalay nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo. “I’m sad. Until now, I am sad,” sey niya sa recent interview ng ABS-CBN.
“’Yung damdamin ko bilang malapit sa kanilang dalawa, bilang fan nilang dalawa, ‘yun, malungkot ako.
“Siyempre, parang hindi yata normal kung magiging masaya tayong nakikitang may dalawang taong at may dalawang taong dating masaya tapos ngayon, hindi na masaya sa piling ng isa’t isa.
“So, ‘yun. Normal na damdamin lang ‘yun. Katulad ng lahat, malungkot din ako,” sey niya.
Asked kung ano ang wish niya para sa dalawa, ani Vice, “I wish them peace, healing and joy. Gusto kong makita sila na masaya ulit.”
Natanong din ang Unkabogable Star kung nakita na ba niya ang orange hair ni Kathryn ngayon at sey niya, “not yet. Talaga?”
Sana raw ay nakatulong ‘yun para sumaya si Kathryn at kung ito ang way niya ng pag-cope. “Sana ano, nakakadagdag ‘yun sa kasiyahang nararamdaman niya. Kung anuman ang pamamaraan nila ng pag-cope, suportahan natin ‘yun,” sey ni Vice.
‘‘Di pa tapos ang laban’ – Paolo
Nagbigay ng kani-kanilang reaksyon ang ilan sa hosts ng Eat Bulaga matapos ngang kanselahin ng Intellectual Property Office of the Philippines ang Eat Bulaga trademark resignation ng Television and Production Exponents, Inc. (TAPE) na siyang producer ng said noontime show.
Sa pagsisimula ng EB kahapon ay nakahanay na humarap ang hosts sa audience sa pangunguna ni Paolo Contis.
“Mahaba pa po ang laban. Ibig sabihin legally, wala pang final, okay?” simula ni Paolo.
“Pero ito lang po ang pangako namin. Anuman ang mangyari, ang sinimulan po namin na tulong at saya ay itutuloy namin araw-araw dahil ‘yun naman po ang dahilan kung bakit kami pumapasok araw-araw. Kayo po ang dahilan kaya nandito kami,” ang mensahe pa ni Paolo sa manonood.
Sabi naman ni Winwyn Marquez, “kaya tuloy ang Pasko na pinakamasaya.”
Hirit ni Betong Sumaya at iba pang hosts, “dito lang ‘yan sa tahanang pinakamasaya!”
Samantala, nagbigay na rin ng pahayag ang abogado ng TAPE na iaapela nila ang desisyon ng IPO na ikansela ang Eat Bulaga trademark sa nasabing kumpanya.