Malu Barry, kulang ang pampagamot sa cervical cancer
Kahit may iniindang sakit ngayon ang veteran singer-actress na si Malu Barry who has stage 3 cervical cancer, willing pa rin siyang mag-show kung may offers na darating para makalikom din siya ng pera for her medical expenses.
It was last Sept. 2 when her good friend singer-actress and entrepreneur Patricia Javier mounted a successful comeback concert for her na ginanap sa Teatrino in Promenade in Greenhills San Juan. Isa umano si Patricia sa tumuluong ngayon kay Malu pero nangangailangan pa rin siya ng tulong sa iba dahil sa patuloy na gamutan ng kanyang sakit.
Nananawagan si Malu sa mga senador na sina Sen. Jinggoy Estrada, Sen. Bong Revilla, Sen. Lito Lapid at kay Sen. Robin Padilla maging sa actor-director at producer na si Coco Martin ng tulong pinansyal para matustusan niya ang kanyang pagpapagamot.
Patuloy na ring sumasailaim si Malu ng chemotherapy at radiation at kailangan din niyang paghandaan ang kanyang Bracky procedure na nangangailangan ng malaking halaga. “Nahihiya man akong humingi ng tulong ay kailangan ko itong gawin ngayon dahil wala na akong mapagkukunan,” pahayag ng single parent to her five children.
Ang panganay na anak ni Malu ay sumakabilang-buhay nung 2010 matapos itong mahagip ng isang rumaragasang sasakyan habang ito’y naglalakad sa Cebu City.
Pang-Magpakailanman ang kuwento ng buhay ni Malu who started singing in a lounge in Davao when she was 14 or 15.
Kathryn at Alden, possible ba?
Hanggang ngayon ay mainit pa ring pinag-uusapan ang recent breakup ng dating magkasintahang Kathryn Bernardo at Daniel Padilla na tumagal ang relasyon sa loob ng 11 taon.
Ang breakup ng KathNiel ay ginawang opportunity ng fans ng KathDen nina Kathryn at Alden Richards na i-link-up ang dalawang lead stars ng record-breaking movie na Hello, Love, Goodbye nung 2019.
May ilang tagasuporta nila na nagsasabing mas bagay umano ang dalawa lalupa’t pareho silang single ngayon.
Inuudyukan ng fans si Alden na ligawan si Kathryn dahil mas bagay umano ang dalawa.
Hindi rin maitatanggi ang kakaibang chemistry na ipinakita nila sa kanilang first and only movie, ang Hello, Love, Goodbye which broke all existing box-office records sa lahat ng Filipino movies na naipalabas na. Ang nasabing pelikula ay kumita ng mahigit P900 million sa box office at kasunod dito ang The Hows of Us nina Kathryn at Daniel nung 2018 na kumita naman ng mahigit P800 million.
Sina Kathryn at Alden ang may hawak ng record as the undisputed box office stars of all time.
- Latest