Nanay ni Andrea, pumatol sa netizens
Nagsalita na ang mom ni Kathryn Bernardo at nag-react na rin si Karla Estrada, nag-comment na rin ang sister ni Kathryn at nitong huli, ang mom naman ni Andrea Brillantes ang nasa limelight.
Sinagot ni Belle Brillantes ang comment ng isang netizen na “Papano mo kaya pinalaki si Andrea no?” Sagot ni Belle, “Paano? Napagtapos niya sa school mga kapatid niya, nakapagpagawa ng bahay, may sariling negosyo. Ikaw, anong ambag mo sa mundo?”
Pero, hindi roon natapos ang isyu dahil ang balik comment ng netizens, hindi ba dapat responsibilidad ni Belle as a parent na pag-aralin ang mga anak? Pati pagpapagawa ng bahay bakit daw inaasa kay Andrea?
Ang fans ni Andrea na ang sumagot sa tanong kung paano niya pinalaki ito, mas malaki raw ang kinikita nito kesa mom niya at kaya niyang magpaaral ng mga kapatid at magpagawa ng bahay, bakit naman hindi siya tutulong.
May nag-comment pa na ang daming judgmental, hindi pa alam ang totoong istorya, kung makapagsalita at makapanira kay Andrea at pati na nanay niya ay ganu’n na lang.
Sa photos na pinost ni Belle, makikitang swimmer pala siya at sumasali sa mga swimming competition. Ang nakita ng netizens ay ang mga tattoo ni Belle na hindi na naman nakagugulat.
Alden at Kathryn part 2, ayaw ng fans!
Hindi pa man nangyayari, naba-bash na si Alden Richards dahil ito sa usap-usapan at comment ng casual fans na pagtambalin uli sina Alden at Kathryn Bernardo. Kung anu-ano na naman ang sinasabi at itinatawag kay Alden na napaka-unfair sa aktor, hindi naman siya ang may request.
Kung ayaw ng fans ni Kathryn na muli silang magtambal ni Alden, ayaw rin ng fans nito dahil ayaw nilang mangyari uli ang nangyari nang gawin ng dalawa ang Hello, Love, Goodbye. Naitsa puwera kasi ang partisipasyon niya sa nasabing pelikula at may mga nagsabi pang kaya kumita ang HLG ay dahil lang kay Kathryn.
Anyway, usap-usapan pa lang ito at parang wala na namang balak ang Star Cinema na gawan ng part two ang HLG. Saka, may sariling projects si Kathryn at gayun din si Alden na sunud-sunod ang gagawing pelikula, kaya parang malabo ang muli nilang pagtatambal.
Sabi pala ng fans ni Alden, kapag kumita ang Family of Two, ang entry ng Cineko Productions sa 2023 Metro Manila Film Festival, alam na nilang hindi ito maki-credit kay Alden. Sasabihin raw ng haters at bashers ni Alden na si Sharon Cuneta ang rason kaya kumita at pinanood ang nasabing pelikula.
Aapela!
“Eat Bulaga” na ang mababasang caption sa post ng TVJ sa latest post nila sa kanilang Facebook account. Sa photo nina Tito, Vic, and Joey, naka-caption ang “Isang libo’t isang tuwa, buong bansa... buong mundo... Eat Bulaga” na part ng lyrics ng theme song ng EB.
Kabilang sa nag-react sina Allan K, Miles Ocampo, Atasha Muhlach, at Ryan Agoncillo, hosts ng E.A.T.
Comment ni Allan K, “Juan for all Juan,” na sinundan ng comment ni Ryan na “EAT BULAGA.” Sumunod si Miles na ang sabi, “14344 for life, dabarkads family!!!!” at sabi ni Atasha, “14344 Family” at tinapos ni Ryzza Mae Dizon ng comment na “14344, EAT BULAGA.”
Masaya ang mga taga-E.A.T. sa balitang puwede na nilang magamit ang Eat Bulaga at ang comment ng fans, “Pauwi na sa tunay na tahanan.” Pati ang fans ng Legit Dabarkads masaya sa balitang ito, pero aapela raw ang TAPE para ma-reverse ang desisyon na may kinalaman sa trademark.
- Latest