^

Pang Movies

Anne, most followed sa IG

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa
Anne, most followed sa IG
Anne Curtis

Bongga si Anne Curtis. Siya pala ang most followed Instagram user sa Pilipinas dahil umabot na sa 20 million ang kanyang followers.

“20 million of you here my dearest IG fam! What a way to end this LA tour. Big kisses to all of you!!,” ayon sa post ni Anne.

Sosyal noh, sana umabot din talaga sa 20 million ang followers ko sa IG.

Ilusyon lang ‘yun noh dahil sa totoong buhay, 155k lang followers na loyal naman talaga sa pagbabasa ng mga kagagahan kong post.

Bukod dito sa  column ko sa PSN (Pil Star NGAYON) at PM (Pang Masa), enjoy na enjoy ako sa Instagram.

Lalo na pag nasa dialysis session ako. Totoong nabo-bore ako pero bihira lang naman ‘yun dahil madalas na naaliw ako sa pag-check sa ibang mga IG account na pina-follow lalo na ‘yung mga account ng pagkain na minsan hindi talaga ako nakakatiis at nago-order ako kahit pa bawal sa akin.

Hahaha.

Naku ayoko nang maniwala sa kanila na bawal sa akin ‘to o yung ganun.

Basta nag-crave ako, order talaga ako.

Eh maraming mga seller na mababait na pwede sa COD - cash on delivery.

‘Di ba si Anne ang topic pero naipasok ko ang IG ko.

Wish ko lang na maka-1 million followers ako.

Hahahaha.

vuukle comment

ANNE CURTIS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with