^

Pang Movies

Tessie, walang planong mag-retiro

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa
Tessie, walang planong mag-retiro
Ms. Tessie Tomas

Sa edad na 73, wala raw balak pang magretiro ni Ms. Tessie Tomas sa pagpapatawa. Gusto pa rin daw niyang mag-produce ng stand-up comedy, pero dahil sa social media, marami na raw ang bawal sabihin onstage at baka ma-bash siya ng netizens.

Noong ‘80s kung saan sumikat si Tessie sa kanyang mga one-woman comedy shows - bilang Amanda Pineda, Bonnie Buendia at Meldita, wala raw mga rules dahil gusto lang daw nilang magpatawa at magpasaya ng kanilang audience. “Today kasi, masyadong sensitive na ang mga tao, eh. The smallest thing you say na nakakainsulto sa kanila, puwede ka nang i-bash o i-cancel. Kaya pinag-aaralan ko ngayon ang audience. Ano ba ang nakakapikon sa kanila? Ano ba ang ayaw nilang marinig? Nowadays, kailangan ay politically correct ka, eh. Unlike before, it’s just comedy for everybody. Now kailangan maging aware ka na sa mararamdaman ng audience,” sey ni Aling Teysi.

Na-migrate sa Isle of Man si Tessie noong 2018 dahil iyon ang napagkasunduan nila ng kanyang British mister na si Roger Pullin. “It was a marital decision. Roger is turning 80 next year... limited time. Health is wealth. What I do for love talaga. Pinagbigyan niya ako, we’ve been together for 33 years, and he has lived here for 38 years. So ako naman ang magbibigay sa kanya,” sey pa niya.

Tuwing may project lang daw kaya bumabalik sa Pilipinas si Tessie. Huli niyang nagawang teleserye ay ang Dirty Linen.

Puwede pa rin daw siyang mag-taping basta maayos ang schedule at supportive daw si Roger sa pagtrabaho pa rin niya, “Roger is very understanding. He always allows me to go back and forth even during COVID times, to visit my mom (Laura Hermosa) who was ailing and then finally passed away last 2021.”

Kylie, may bagong look

Kumpirmado na ang pagbabalik ni Kylie Padilla bilang Amihan sa bagong spin-off ng sikat na telefantasya ng GMA na Encantadia na pinamagatang Encantadia Chronicles: Sang’gre.

Sa Instagram post ni Kylie, ipinasilip niya ang mga bagay na nagsisilbing inspirasyon sa kanya at kabilang dito ang kanyang bagong project.

Sa nasabing post, nagsimula na siyang mag-fit ng costume para sa kanyang role bilang Amihan pagpapatuloy ng Encantadia Chronicles sa Sang’gre. Ipinost din ni Kylie ang larawan ng isang pintuan na may nakapaskil na papel kung saan may nakasulat na “Sang’gre fitting area.”

Wala pang masyadong idinetalye si Kylie sa magiging costume niya para sa Sang’gre, pero marami na ang nakaabang para sa kanyang bagong look.

Muli ngang makakasama ni Kylie sina Glaiza de Castro, Gabbi Garcia at Sanya Lopez. Pati na ang mga bagong sang’gre na sina Bianca Umali, Angel Guardian, Faith da Silva at Kelvin Miranda.

Nick Cannon, namamahalan na sa gastos sa Disneyland

Gumagastos pala si Nick Cannon (American television host), ng higit sa $200,000 a year tuwing pinaspasyal niya ang kanyang isang dosenang anak sa Disneyland. In Philippine peso, gumasgastos si Cannon ng higit 11 million pesos sa kanyang mga anak.

Kuwento pa ng 43-year old host ng The Masked Singer, dati raw ay libre ang mga anak niyang makapasok at makasakay ng rides sa Disneyland noong nagtrabaho siya bilang host ng naturang amusement park tuwing Christmas morning parade mula 2009 hanggang 2019.  “So, I used to get that Disney bag. They were perks, So, all of that stuff was free. It’s no longer free, and I only had two kids then (twins with ex-wife Mariah Carey). I’m literally at Disneyland once a month, and to move around Disney, I’m probably spending $200,000 a year at Disneyland. Disneyland is expensive already off the top if you’re trying to stay in the hotel. It’s not how it used to be. You gotta make reservations.”

vuukle comment

TESSIE TOMAS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with