^

Pang Movies

Kyline, tikom pa sa hiwalayan nila ni Mavy

Gorgy Rula - Pang-masa
Kyline, tikom pa sa hiwalayan nila ni Mavy
Kyline Alcantara

MANILA, Philippines — Kuwentong breakup pa rin ang mainit na pinag-uusapan, hindi lang sa social media, sa mga umpukan ng mga marites, kundi pati sa ilang programa at naisingit pa sa homily ng ilang misa.

Halos ganito rin ang lakas ng separation noon nina Martin Nievera at Pops Fernandez, at ang pagkabuwag ng loveteam na Guy and Pip, pero mas matindi itong ngayon dahil may social media. Naikokonek sa lahat ng topic.

Napapabalitang hiwalay na rin sina Mavy Legaspi at Kyline Alcantara.

Parehong hindi nagsasalita ang dalawa. Ang huli naming nasagap ay maglalabas daw sila ng joint statement. Hindi lang alam kung kailan.

Kaya nung namataan si Kyline sa concert ng Queendom: Live kinuyog ang Kapuso actress ng reporters para hingan ng pahayag, pero hindi siya talaga nagsalita. “I feel like this is not the right time to talk about it,” matipid na sagot ni Kyline.

Safe pa rin ang sagot niya sa tanong namin kung happy siya ngayon.
Basta happy lang daw siya para sa Queendom.

Ang isa sa nagulat kami ay itong champion ng Bet ng Bayan na si Hannah Precillas. Sobrang galing niya sa rendition niyang What Kind of Fool Am I.
Sana mabigyan talaga siya ng magandang break, dahil napakagaling ng babaeng ito.

Ang nakakatuwa pa sa kanilang anim, hindi sila nagsasapawan. May kanya-kanya silang moment at nakikita mong talagang nagbibigay si Julie Anne San Jose para mag-shine ang mga baguhan lalo na ang champions nila sa The Clash na sina Jessica Villarubin, Mariane Osabel at Thea Astley.

vuukle comment

KYLINE ALCANTARA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with