Ramdam na ng mga netizen ang diwa ng Pasko at pagkakaisa dahil sa Christmas Station ID ng ABS-CBN na Pasko Ang Pinakamagandang Kwento, tampok ang GMA Network, TV5, at A2Z sa makasaysayang music video nito na ipinalabas noong Biyernes (Disyembre 1).
Nagpahayag nga ng tuwa ang netizens dahil pagsama sa mga Kapuso, Kapatid, at A2Z employees sa music video.
Nakita rin sa music video ang iba pang partner media companies na Viu, Prime Video, at PIE Channel.
Agad na nag-trending sa X (dating Twitter) ang star-studded music video, na nakakuha ng mahigit 1 milyong views sa Facebook at YouTube, habang pinupuri ng mga netizen ang mensahe ng music video, kung saan ay naka-relate rin sila, tungkol sa iba’t ibang kwento at hamon na kinakaharap ng bawat isa sa atin at kung paano tayo pinagbuklod ng pinakamagandang kwento ng ating Pasko. “This song centralizes the birth of Jesus and how Christmas is a very great story for everyone. Sa kabila man ng mga challenges, ipadama pa din ang diwa ng Pasko,” sabi ng netizen.
Inaanyayahan naman nila ang lahat na makiisa sa #KwentongPasko campaign. Ikwento ang iyong pinakamagandang kwento ng Pasko sa TikTok, gamit ang template at musika ng Christmas Station ID, at sa Facebook at Instagram, gamit ang feature na “Add Yours.”
Mga ‘Marites’ nakakasira sa mental health ng ibang celeb?! Sa totoo lang, ang daming ‘sumakay’ sa breakup niNa Kathryn Bernardo and Daniel Padilla.
Lahat may entry, kumbaga.
Eh ‘di ba, hindi naman lahat ng magkarelasyon ikinakasal. May mga naghihiwalay talaga. Kahit nga mag-asawa.
Parang inevitable, certain to happen, unavoidable etc.
Pero ang kinaka-worry ng lahat ngayon, habang ang iba’t ibang platform ay kumikita dahil sa breakup ng KathNiel, may mga nagsasabing psychologist na hindi ito nakakatulong sa mental health ng mga artista dahil ginagawang ‘commodity’ ang isang bagay na masyadong personal.
Oo nga naman at celebrity sila, pero ‘yung kalkalin mo pa at paulit-ulit na gawing kontrobersyal, ibang usapan na.
Na as if kilala at kasama nila sa bahay ang mga artistang pinag-uusapan.
Laging pinaaalala ng World Health Organization (WHO) : “There is no health or sustainable development without mental health; mental health is too important to be left to the professionals alone, and mental health is everyone’s business.”