^

Pang Movies

Sen. Win, pini-pressure na pakasalan si Bianca para mabuntis pa!

TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis - Pang-masa
Sen. Win, pini-pressure na pakasalan si Bianca para mabuntis pa!
Sen. Win at Bianca
STAR/ File

Mixed ang reaction sa post ni Bianca Manalo -  kanyang 37th birthday celebration sa Malacañang with President Bongbong and Liza Marcos.

Nagkataon na may event ata noon sa Malacañang at invited ang mga senador at misis kaya doon na rin si Bianca nag-celebrate ng birthday.

Aniya sa post: “Ne­ver in my wildest dreams have I ever thought of celebrating my birthday in Malacañang, to be hosted by our very own President Bongbong Marcos and First Lady Liza Araneta-Marcos. Together with the Philippine Senators and Spouses. I am beyond grateful!  I am 37 but still feels 27.”

Pero ang wish ng majority, alukin na siya ng kasal ni Sen. Win Gatchalian dahil hindi na raw siya bumabata.

Baka raw hindi na sila makahabol sa ‘huling biyahe’ lalo na at malapit na siyang mag-40.

Mahirap na raw manganak ‘pag ganung edad na kasi.

Ano pa raw bang hinihintay ni Sen. Win?

May semblance of truth naman dahil hindi na bumabata ang former beauty queen / actress.

Sinasabi nga ng mga expert na ang pinaka-ideal age para magbuntis ay sa pagitan ng late 20s at early 30s.

Pero ba’t nga ba kailangan nating pakialaman ‘yun.

Hahaha.

Lolit, sinagot si Cristy

Pinasagot ng ilang entertainment press si Nay Lolit Solis sa diumano’y ‘feud’ nila ni tita Cristy Fermin dahil kina Lorna Tolentino at Paolo Contis na pakiramdam ng controversial talent manager  / columnist ay ginagawang punching bag ng dati niyang kasama sa digital program na Take It... Per Minute.

Kaya ngayon ayon kay Nay Lolit, siya ang sinisisi ni LT kung ba’t siya tinatawag na tomboyita. “Galit sa akin si Lorna, ‘no, lalaki raw gusto niya, hindi babae! At naghahanap siya ng dyowa na mag-aalaga sa kanya. Naghahanap siya ng lalaking mag-aalaga sa kanya. Lalaki, ha. Basta pwede siyang alagaan at buhayin, type niya ‘yon. Kailangan may pambuhay sa kanya, hindi pambayad sa caregiver,” katwiran ni Nay Lolit.

Sa kanyang Instagram page naunang naglabas ng saloobin si Nay Lolit tungkol dito.

So magkagalit ba sila ni tita Cristy sa totoong buhay?

“Wala akong galit sa kanya. Wala naman akong maisip na dapat kong ikagalit sa kanya.

“Ngayon ko nga lang naisip ba’t kaya siya galit sa akin? Hindi naman siguro pwedeng sabihing baka naiinggit siya sa akin, wala naman siyang dapat kainggitan, ‘di ba? Wala namang dapat kainggitan, ‘di ba?

“’Di ba, sinabi ko na nga sa kanya noon, ‘Cristy ‘pag galit ka sa akin, ako ang tirahin mo, ‘wag ano, kasi kawawa naman kasi si Paolo, durog na durog na dahil sa ano, na hindi din alam ni Paolo kung ano ang nagawa niyang kasalanan bakit mo siya binibira.’

“So ‘yon, tinigilan niya si Paolo that time. Ngayon naman ang hinaharap naman niya si Lorna. Oo, kaya hindi ko na alam ano rason, ‘di ba?

“Sabi nga ni Lorna, ‘alam mo kaya ako sinasabihang tomboy dahil sa ‘yo, ‘no. Sa akin pa tuloy galit na galit si Lorna ngayon. Oo, galit siya sa akin, kaya raw siya tinatawag na tomboy dahil sa akin.

“Kahit nga sila Bong, ang tawag ko baklitang ano, baklitang Bong,” tuluy-tuloy na litanya ni Nay Lolit.

Dagdag pa niya na ganun talaga kumbaga ang lambing niya sa mga alaga na kahit sina Sen. Bong Revilla at Christopher de Leon ay tinatawag niyang bakla.

LIZA

MARCOS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with