Pagtatambalin daw ang mag-ex na sina Joshua Garcia at Julia Barretto?
Kung sabagay ano ba naman ang masama kung magkasama sila professionally sanay naman silang magkasama sa trabaho noon.
Pero bakit all of a sudden, pagtatambalin silang muli?
Nagkahiwalay sila nung bigla na lang malaman ni Joshua na si Julia pala ay syota na ni Gerald Anderson.
Iyon siguro ang naisip nila kung bakit ngayon ay gusto nilang buhayin ang love team nina Julia at Joshua. Kung kakagatin iyon ng fans, parang nalinis na rin nila ang image ni Julia.
Pero napakaraming dapat gawin para maibalik ang dating image ni Julia.
At nakakatakot na kung magbabalik-tambalan sila, ang susugal nang malaki riyan ay si Joshua.
Tanggap na siya ng tao bilang solo star at kung natatandaan ninyo ang huling tambalan nila ni Julia ay hindi na rin naman kumita, ngayon pa ba?
Si Julia, ibang-iba na. ‘Bold star’ na nga ang tawag sa kanya ng iba dahil sa kanyang pagiging calendar girl sa isang inuming panlalaki.
Oo nga at sinasabing may karelasyon naman si Joshua, walang kasiguruhan kung papatok pa silang magkatambal.
Issa, suko na sa acting
Sabi raw ni Issa Pressman ayaw na muna niya ng acting career at gusto niyang mas makilala siya sa fashion at music?
Walang dudang ang statement na iyan ay naimpluwensiyahan ng syota niyang si James Reid na tumigil na rin sa acting at ngayon ay concentrated sa fashion at music.
Sa fashion wala ka namang kailangang talent.
Basta maisuot mo lang nang maayos ang damit ok na. Sa music naman, hindi matindi ang labanan ngayon dahil wala nang bentahan gaya ng dati.
Ngayon puwede kang gumawa kahit na ilang daang kanta, ikarga mo sa mga streaming sites at bahala na.
Kung magbabakasyon nga si Issa sa acting tiyak na hindi siya hahanapin dahil wala pa naman siyang napapatunayan sa linyang iyan.
In the meantime si James Reid ay naiwan na nang milya-milya ng dati niyang partner na si Nadine Lustre na naging isang mahusay na aktres at box-office star pa.
Kimson, ‘Di pinatos ang P1 milyon dinner at date ng bading
Hindi raw pinansin ng newbie actor na si Kimson Tan ang alok sa kanya ng isang bading na P1 million para sa isang dinner date.
Na tiyak na prank lang iyon kaya tama lang na hindi niya tinanggap.
Sino ba ang magbabayad sa kanya ng isang milyon para sa isang dinner date?
Sinusubukan lang noon kung kakagat siya. Kung ang isang mayamang bading ay may isang milyon na maaaring ibigay sa kanya, magpapakilala iyon, makikipagkita at saka siya aalukin ng pera. Hindi iyon magbibigay ng offer sa isang internet chat.
Kung ang bading ay babayad nga ng isang milyon para maka-date ang isang lalaki hindi iyan didiretso, ang daming bugaw sa show business na sanay sa mga ganyang transaksiyon. At hindi siya gagastos ng isang milyon. Ang karaniwang naririnig namin ay P200K lang at mga primera klase na iyon.
Malamang ilusyon ‘yun.