Alden, ipo-produce at ididirek si Heaven

May nagbiro na kabahan na raw si Marco Gallo kay Alden Richards dahil dumating si Alden sa birthday party ni Heaven Peralejo na may dalawang big boquet of flowers. Madalas din daw magkikita sina Heaven at Alden dahil magkasama sila sa pelikulang Out of Order, ang pelikulang collab ng Viva Films, Studio Viva at Myriad Entertainment ni Alden.

Pero sa nakita naming videos at photos kina Heaven at Marco sa nasabing party, walang dapat ikabahala ang shippers nina Heaven at Marco Super sweet at sila lagi ang magkadikit sa party.

May special dance pa ang dalawa na parang sayaw sa pelikulang Dirty Dancing na kinakiligan ng kanilang fans. Pag-amin na lang daw ang kulang at lalayag na ang real love team nina Heaven at Marco. May mga nagpayo kay Heaven na career muna ang unahin, pero tama ang fans nito na kakayanin ng aktres na pagsabayin ang kanyang career at love life.

Samantala, wala pang nababanggit kung ano ang role ni Heaven sa movie nila ni Alden na si Alden din ang director.

Michelle, inaming naging inseparable sila ni Miss Thailand

Sa interview kay Michelle Dee sa ‘Unang Hirit, nabanggit na ikinagulat nila ni Miss Thailand na marami ang nag-ship sa kanila. May mga  nagpaalala nga sa kanya na korona at sash ang iuwi niya at hindi dyowa na ang tinukoy ay si Antonia Porsild.

Ang paniwala ni Michelle, kaya siya naging close ni Antonia dahil roommate sila at parehong powerhouse ang Philippines at Thailand sa mga beauty pageant.

Ang kuwento pa ni Michelle, sa simula hindi sila close ni Antonia at naging close na lang habang tumatakbo ang contest at halos hindi na maghiwalay noong malapit nang magtapos ang pageant at pauwi na sila sa kani-kanyang bansa.

“Hindi kami naging close kaagad. We were assigned to different tourist destinations. Hindi kami nagsama talaga until rehearsals and then we realized na parang we have so much in common.

“We really jive in terms of our sarcasm or humor, super kalog din kami. Pero we took a photo for the first time, not expecting us to be linked together. Kasi our intention naman talaga was to show our fans na Philippines and Thailand are good friends. Tama na ‘yung mga away-away. But when we became close, medyo naging inseparable talaga kami,” pahayag ni Michelle.

Show comments