Ibang MMFF movies, kapos sa promo
Para bang si Vilma Santos na yata ang pro ng Metro Manila Film Festival, wala kasing ibang artistang nagpo-promote ng kanilang mga pelikula hanggang ngayon, si Ate Vi lang ang masipag mag-ikot sa lahat na yata halos ng TV shows at nakikiusap na panoorin ang lahat ng mga pelikulang kasali sa MMFF.
At kulang na lang magbitbit siya ng lahat ng posters ng lahat ng mga pelikula.
Kaunting pagod lang naman iyan kung tutulong sila sa promo, at bilang mga artista, bahagi na ng kanilang tungkulin ang promo ng pelikula nila, nasa kontrata man nila iyon o wala.
Hindi mo maaasahan ang mga presscon. Ok na humarap ka sa presscon, pero iba pa rin ang nagagawa ng TV sa marketing ng pelikula. Eh si Ate Vi nga pati sa radio ay naririnig naming na nagpo-promote nang husto. Hindi naman niya kailangang gawin iyon, tiyak namang magiging hit ang comeback niyang When I Met You In Tokyo, kaya nga minsan nakakainis dahil iyon mismong alam mong tagilid, akala yata ay sikat pa sila at ni walang effort na mag-promote ng kanilang pelikula.
Ito ang panahong kailangang buhaying muli ang MMFF na bumagsak nang husto noong ang ipalabas nila ay puro indie, hindi na sila nakabawi simula noon.
Kathniel, kailangan ang isa’t isa
Sinasabi raw ni Daniel Padilla na girlfriend pa rin niya si Kathryn Bernardo kahit na malakas ang ugong ng tsismis na hindi maganda sa ngayon ang kanilang relasyon dahil kay Andrea Brillantes.
Kung kami rin naman si Daniel, para naming pinukpok ng bato ang sarili naming ulo kung ipagpapalit namin ang maganda at superstar nang si Kathryn Bernardo kay Andrea Brillantes.
At saka siya rin, baka kung dumating ang panahon na mag-split sila ay may masabi rin sa kanya si Andrea.
Tama naman si Daniel, hindi niya dapat ipagpalit si Kathryn. At si Kathryn din naman hindi niya dapat bitiwan si Daniel.
Ang bottomline, kailangan nila ang isa’t isa.
Ibang sponsors, umatras na sa Miss Universe
Parang naplastikan naman kami sa nakita naming video ng Miss Universe owner na si Anne Jakrajutatip na tila inaalo pa si Michelle Dee matapos na magkaroon ng controversial post ang official Miss Universe site ng El Salvador at tapos ay mawala siya at mapalitan ng kababayan ni Anne na si Miss Thailand.
Hindi siguro ganoon kalala ang bintang kung ‘di Thailand ang ipinalit kay Michelle. Pero iyong sinabi pa niyang walang pagkakamali sa post kundi pinalitan talaga si Michelle, ano ang dahilan?
Ngayon nga sinasabing maraming sponsors na ang tumanggi, matapos na papasukin na rin nila ang mga transgender at single mothers sa Miss Universe.
Bakit kailangang papasukin doon ang mga hindi tunay na babae, dahil lamang sa transgender din ang may-ari.
Hindi ba may sarili naman silang Miss Gay Universe?
Baka naman dumating ang araw na magtayo rin siya ng Mr. Universe.
Diego, ayaw ng responsibilidad
Hindi kami believe sa sinabi ni Diego Loyzaga na ang isang marriage contract ay kapirasong papel lamang kaya hindi siya naniniwala.
Iyang mga nagsasabi nang ganyan, iyong mga taong gustong magkaanak pero ayaw ng responsibilidad ng isang pamilya. Isipin mo nga ang anak mo kung lalaking walang kinikilalang pamilya?
Siguro nga kasi ganoon din naman ang naging buhay ni Diego, simula kasi nang ipanganak siya ay hindi naman siya pinangalagaan ng tatay niyang si Cesar Montano, ang nanay niyang si Teresa Loyzaga ang nagtrabaho at nagsikap para sila palakihin ng kapatid niya.
Pati nga ang kapatid niya ay nadamay, kasi iniwan iyon ng tatay niya nang ang nanay nila ay makipagrelasyon sa tatay ni Diego.
Kaya nga siguro ganyan si Diego na hindi nagpapahalaga sa kasal dahil dapat ipagkaloob niya sa kanyang anak ang dignidad ng pagkakaroon ng isang pamilya.
- Latest