^

Pang Movies

Xian, workout ang sagot sa split nila ni Kim?!

TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis - Pang-masa
Xian, workout ang sagot sa split nila ni Kim?!
Xian Lim

Workout lang ang parang sagot ni Xian Lim sa lumalalang rumor na split na sila ni Kim Chiu. Asa gym siya, sa kanyang latest post, na ang sabi ay bagong negosyo itoh ni Xian. Gymtrovert ang pangalan nito. At sa mga post ni Xian, hinahanap si Kim.

Samantala, tapos na ang taping nila ang Love. Die. Repeat. na naudlot ng halos three years. Pero next year pa raw ang airing nito. Kasama niya rito si Jennylyn Mercado.

Matagal-tagal na ring naru-rumor na wala na sila ni Kim.

Actually, may mga nagkukuwento nga na totohanan na raw talaga ang relasyon nina Kim and Paulo Avelino na unang nagtambal sa Linlang pero ngayon ay magsasama ulit sa local adaptation ng What’s Wrong with Secretary Kim.

Actually sumagot naman si Kim sa isang presscon ng “Baka nalilinlang lang kayo, okay naman kami ni Xi” pero action speaks louder than words daw kasi.

6th EDDYS, paniningningin ng mga sikat na celebs!

Mga sikat at veteran celebrities mula sa iba’t ibang henerasyon ang magbibigay-kulay at ningning sa magaganap na 6th EDDYS o Entertainment Editors’ Choice ng Society of Philippine Entertainment Editors (SPEEd) sa darating na Nov. 26, Linggo, sa Aliw Theater, CCP Complex, Pasay City.

Bongga rin ang mga inihandang production numbers ng original Concert Queen na si Pops Fernandez, ganundin ng Prince of Pop at King of Teleserye Theme Song na si Erik Santos.

May pa-surprise number din sa Gabi ng Parangal ang Kapamilya singer-actor na si Darren Espanto.

Magsisilbing host naman ang Ultimate Leading Man at award-winning actor-producer na si Piolo Pascual at award-winning actress na si Iza Calzado.

Ang pagbibigay parangal at pagkilala ng 6th EDDYS sa mga natatanging pelikulang Pilipino nitong nagdaang taon ay mula sa direksyon ng award-winning actor-director na si Eric Quizon, ihahatid ng Airtime Marketing Philippines ni Tessie Celestino-Howard.

Mapapanood ang delayed telecast ng awards night sa Dec. 2 sa A2Z Channel.

Limang pelikulang Pilipino na nagmarka at nang-agaw ng eksena noong nakaraang taon ang maglalaban-laban.

Ang mga nominado sa kategoryang Best Film ay ang Bakit ‘Di Mo Sabihin, Blue Room, Doll House, Family Matters at Nanahimik ang Gabi.

Nominado naman sa pagka-Best Director sina Marla Ancheta (Doll House); Ma-an L. Asuncion-Dagñalan (Blue Room); Real S. Florido (Bakit ‘Di Mo Sabihin); Nuel Crisostomo Naval (Family Matters); at Shugo Praico (Nanahimik ang Gabi).

Magpapatalbugan para sa Best Actress category sina Kim Chiu (Always); Max Eigenmann (12 Weeks); Janine Guttierez (Bakit ‘Di Mo Sabihin); Nadine Lustre (Greed); Heaven Peralejo, (Nanahimik ang Gabi); at Rose Van Ginkel (Kitty K-7).

Bakbakan naman sa pagka-Best Actor sina Elijah Canlas (Blue Room); Baron Geisler (Doll House); Noel Trinidad (Family Matters); Ian Veneracion (Nanahimik ang Gabi); at JC de Vera, (Bakit ‘Di Mo Sabihin).

Paglalabanan naman nina Mylene Dizon (Family Matters); Matet de Leon (An Inconvenient Love); Althea Ruedas (Doll House); Ruby Ruiz (Ginhawa); at Nikki Valdez (Family Matters) ang tropeo para sa kategoryang Best Supporting Actress.

Para sa Best Supporting Actor, nominado sina Nonie Buencamino (Family Matters); Mon Confiado (Nanahimik ang Gabi); Soliman Cruz (Blue Room); Sid Lucero (Reroute); at Dido dela Paz (Ginhawa).

Bibigyang-pugay rin ng SPEEd ngayong taon ang hindi matatawarang kontribusyon sa industriya ng pelikulang Filipino ng mga napiling EDDYS Icon awardees na kinabibilangan nina Aga Muhlach, Richard Gomez, Gabby Concepcion, Niño Muhlach, Snooky Serna, Jaclyn Jose, Barbara Perez at Nova Villa.

Kabilang naman sa bibigyan ng Isah V. Red Award sina Coco Martin at Piolo Pascual para sa walang sawa nilang pagtulong at pagbibigay ng inspirasyon sa mga kababayan nating nangangailangan.

Igagawad ang Joe Quirino Award sa veteran entertainment columnist, former TV host at content creator na rin ngayon na si Aster Amoyo habang ang beteranong manunulat at dati ring entertainment editor na si Ed de Leon ang tatanggap ng Manny Pichel Award.

Ngayong taon, ipagkakaloob ang Producer of the Year sa Viva Films habang ang Rising Producer of the Year ay igagawad sa MavX Productions.

XIAN LIM

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with