Lito, hindi nag-iba ang ugali
Bongga si Sen. Lito Lapid ha.
Unang-una siya sa magbibigay ng Christmas party sa showbiz dahil gusto niyang makasama ang friends from the press bago maging busy ang mga ito sa darating na Metro Manila Film Festival.
Saka ever since naman talagang very close na si Lito Lsa mga showbiz writer, lalo na sa mga beterano, mula pa nung nag-uumpisa siya sa showbiz hanggang maging pulitiko siya.
Kaya hindi kataka-taka na hanggang ngayon very sweet siya sa mga writer. Iba talaga ang may pinagsamahan, hindi nakakalimot san man makarating.
Ganyan si Lito sa mga writer, hanggang ngayon na Senador na siya, naging isa sa top action stars, hindi tinalikuran ang showbiz.
Ganun naman talaga dapat ang ugali ng mga taga-showbiz na naging matagumpay sa pulitika.
‘Wag makakalimot at laging lilingon sa pinanggalingan.
Hay naku aabangan ko talaga kung kelan ang pa-party na iyan ni Lito.
Medyo tamad na akong maglalabas lately, pero ito hindi ko talaga kakatamaran.
Gow talaga ako. Dapat makaharbat ako lalo na kung may pa-raffle.
Hahahaha. Bongga.
- Latest