^

Pang Movies

Cool Cat Ash, ibinuhos ang damdamin sa i find love

Pang-masa
Cool Cat Ash, ibinuhos ang damdamin sa i find love
Cool Cat Ash

MANILA, Philippines — Ibinuhos ng singer-songwriter na si Cool Cat Ash ang iba’t ibang damdamin sa kanyang bagong album na i find love. so. so. weird. na nag-umpisang mapakinggang more than a week ago.

Laman nito ang 11 awitin na isinulat at iprinodyus mismo ni Cool Cat Ash na kilala rin sa tunay niyang pangalan na Ashley Aunor. Mula sa novelty at rock songs, sinubukan naman niya ang kanyang talento sa pagbuo ng pop at upbeat songs.

“Hindi ko in-expect na ilalabas ko itong songs in the first place. Star Music encouraged me to write more upbeat and pop songs because they believed in me, so I’m very happy that they supported me in that way,” saad niya.

Sa key track na i find love. so. so. weird., ibinahagi niya ang nakakakabang pakiramdam na mahulog para sa taong minamahal at kung paano nakakaapekto ang peer pressure mula sa iba’t ibang tao.

“It’s all about me finding love so weird kasi medyo allergic ako sa romantic love. I feel like I’m too scared to fall deeply in love and I’m scared of being vulnerable and intimate with anyone. For this, na-feel ko yung peer pressure mula sa mga taong nahanap na ‘yung taong mahal nila,” kwento niya sa naganap na album launch nito kamakailan.

Sa edad na limang taong gulang, inilabas niya ang unang album na Gusto Kong Kumanta na isinulat ni Alex Catedrilla ngunit inihinto niya ang kanyang career upang bigyang pokus ang pag-aaral.

Sa kasulukuyan, kinukuha niya ang kursong music production sa Berklee College of Music Boston habang nagtratrabaho bilang songwriter, producer, sound engineer, at DJ.

Pinangalanan siyang Rock Artist of the Year sa PMPC Star Awards 2022 at Novelty Artist of the Year naman noong 2021 habang ang awitin niyang Mataba ay hinirang naman na Novelty Song of the Year. Bukod dito, bahagi rin siya ng songwriting at production duo na  Aunorable Productions kasama ang kapatid at kapwa singer na si Marion Aunor.

Bilang recording artist, nakapaglabas na siya ng ilang awitin tulad ng Changes, Best Friend, at Gone Too Soon.

Black... mabilis ang phasing!

Marami ang pumuri kay Ruru Madrid sa pagsisimula ng kanyang bagong primetime serye na Black Rider. Nariyan pa rin ‘yung mga bagong viewers na hindi akalaing kaya ni Ruru maki­pagsabayan sa mga beteranong action star at stunt men.

Sa datihang fans naman ni Ruru, lalo pa silang bumilib sa kanilang idolo na mas gumaling pa raw ngayon sa fight scenes na kung ‘di kami nagkakamali ay mismong si Ruru lahat ang gumagawa.

Talagang nagbubunga na ang mga pagsisikap ni Ruru. Mismong mga beteranong aktor na ang nagsasabing bilib sila kay Ruru na isang homegrown Kapuso artist.

Base rin sa mga nababasa naming comment ng netizens, mas gusto raw nila ang phasing ng Black Rider dahil mabilis ang mga eksena. Walang paliguy-ligoy, first few episodes pa lang, matitinding action scenes na agad ang mapapanood – iba’t ibang location din kaya alam mong talagang pinaghandaan at pinagkagastusan.

Ito rin naman kasi ang mapapansin sa mga palabas ng Kapuso network ngayon. Kahit pwede pang pahabain, mas gusto nila na magfocus sa quality ng programang hinahain sa viewers. At sa rami ng gustong maging bahagi ng leading channel ay marami pang nakalatag na mga aabangang programa!

vuukle comment

SHOWBIZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with