Ayon sa bida ng pelikulang Broken Hearts Romances na si Christian Bables, marami ang makaka-relate sa kanilang movie na dinirek ni Lemuel Lorca mula sa story ni Lex Bonife at screenplay ni Archie del Mundo.
Pangatlong Metro Manila Film Festival (MMFF) movie na bale ni Christian na kanyang sinimulan sa 2016 hit movie na Die Beautiful kung saan siya nanalo ng tatlong Best Supporting Actor awards mula sa tatlong magkakahiwalay na award-winning bodies, ang MMFF, Gawad Urian at Luna Awards ng Film Academy of the Philippines.
Sumunod ang pelikulang Big Night nung 2022 kung saan siya ang lead star ay nakapagbigay rin sa kanya ng tatlong Best Actor awards mula sa Entertainment Editor’s Choice Awards’ The EDDYS, sa 19th Asian Film Festival maging ang ika-47th Metro Manila Film Festival’s Gabi ng Parangal.
Habang ang kanyang pelikulang Signal Rock ay nagbigay sa kanya ng Best Actor plum mula sa Gawad Urian ng Manunuri ng Pelikulang Pilipino at sa 67th GEMS Hiyas ng Sining Awards.
Ngayong pasok na naman sa MMFF ang kanyang pelikula, marami ang nagsasabi na malakas na naman ang kanyang laban sa Best Actor trophy bagay na ayaw niya munang ipasok sa kanyang ulo.
Ate Vi, may advance birthday gift!
Star for All Seasons and former politician Vilma Santos recently celebrated her 70th birthday at hindi ikinakaila that she’s so blessed dahil bukod sa pagkakaroon ng masayang pamilya, nabiyayaan din siya ng kanyang unang apo sa panganay niyang anak na si Luis Manzano sa kanyang ex-husband na si Edu Manzano.
Kung dati-rati’y si Luis or Lucky ang parati niyang sinasabihan ng “I love you, Lucky,” ngayon ay nabaling na ito sa kanyang mini-me na si Baby Peanut (Isabella Rose) na siya niyang sinasabihan ng “I love you, Baby Peanut!”
Nagsilbi ring advance birthday gift kay Vi ang pagkakapasok sa 2023 MMFF ng reunion movie nila ni Christopher de Leon, ang When I Met You In Tokyo.