^

Pang Movies

Mag-asawang Richard at Sarah, kanya-kanya muna

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa
Mag-asawang Richard at Sarah, kanya-kanya muna
(Sarah, Kai at Zion) at (Richard, Zion at Kai)

MANILA, Philippines — Marami na ang nagtatanong noon kung may problema ang mag-asawang Richard Gutierrez at Sarah Lahbati. Napuna nila, noon pang September, walang kahit na anong post si Sarah na magkasama sila ni Richard.

Tapos ngayon lumabas na ang totoo, si Sarah kasama ang kanyang mga anak ay “nagbabakasyon” kasama ng kanyang parents.

Wala namang sinabing may problema sila sa kanilang relasyon, pero siguro hindi mangyayari ang ganoong matahimik na “bakasyon” kung hindi nga may kaunting trouble sa kanilang pagsasama.

Hindi naman maikakaila na siguro ang issue, nawawalan ng panahon si Richard, tuluy-tuloy ang kanyang trabaho. Ang taping nila ay nasa malayong location at nadugtungan pa iyon, extended hanggang sa hindi natin alam kung kailan. Kung natapos ang serye sa itinakdang panahon lang, siguro hindi naging problema.

Pero at the end of the day, hindi natin alam ang totoong problema.

Sila lang ang may alam kaya’t wag ‘nating pangu­nahan kung anuman ang pinagdaraanan nila kung meron nga.

Kim, mahina ang pakiramdam sa breakup

Nagde-deny si Kim Chiu sa kumakalat na tsismis na split na sila ni Xian Lim. Hindi rin naman namin alam kung bakit may kumalat na ganoong tsismis. Pero wala naman daw talagang dapat man lang ipagduda na magbe-break sila.

Pero ang sabi nga ng ilang kritiko, “hindi ba si Kim naman kahit na noon hindi niya alam na split pa pala sila ni Gerald Anderson.” Kaya nga pati fans niya galit na galit noon kay Bea Alonzo.

Aywan kung talaga lang mahina ang pakiramdam ni Kim kaya hindi niya namamalayan kung iniisplitan na siya. Pero ngayon hindi naman sila split talaga ni Xian.

Darren at Cassy, inamin ang ‘relasyon’

Marami ang kinikilig sa love team nina Darren Espanto at Cassy Legazpi. Noon pang media conference ng When I Met You in Tokyo, talagang sinasabi nang marami ang nakakapansin sa kanilang love team, at noon pa pinipilit silang paaminin kung sila na nga.

Mabilis naman ang sagot nila, na as usual bitin at paduda, at wala silang inamin kundi special friends sila. Sinabi rin ni Darren na masasabing silang dalawa ay “special friends” dahil mga bata pa sila ay magka­kilala na sila, at hanggang ngayon ay ganoon. Nawala tuloy ang momentum noong gustong magtanong kay Darren kung totoong siya nga iyong binatilyong kasayaw ni Piolo Pascual ay isang dance club.

Kaya nga kung ano ang mangyayari sa kanilang love team, ang magde-decide niyan ay ang publiko talaga. Kung susuportahan nga nila ang love team, kahit na sabihin mong kasama lang naman sila nina Vilma Santos at Boyet de Leon sa pelikula, mararamdaman naman kung may nakukuha silang suporta mula sa mga tao. Doon nakadepende kung mabibigyan nga sila ng project, at build-up bilang isang love team.

Ano sa palagay ninyo?

Mga serye sa internet, ginagamit na ring pambudol!

May nagkuwento lang naman sa amin, may budol na rin pala sa mga serye na inilalabas sa internet. Gumagawa sila ng blogs na kung saan lumalabas ang kanilang casts, at doon ay nagso-solicit sila ng mga mag-aambag para magawa nila ang kanilang projects, dahil wala silang puhunan talaga.

Iyon naman palang mga artista nila, kung sabihing ka-collab sila at nababayaran lamang sila kung kumita na ang serye. Kung hindi kumita, nganga sila. Ang masama, talagang dito sa Pilipinas, ay hindi ganoon kalakas ang “pink peso.” Hindi gumagastos nang husto ang mga bading sa mga ganyang bagay lamang, gagastos sila sa “live shows” sa internet platforms, at maging sa bars.

RICHARD GUTIERREZ

SARAH LAHBATI

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with