MANILA, Philippines — Wala pang nakuhang playdate, pero balak ni direk Paul Soriano na i-release sa mga sinehan ang pelikula niyang The Fisher na nagkaroon ng dalawang screening sa World Focus section ng 36th Tokyo International Film Festival nung nakaraang buwan.
Parehong super successful ang dalawang screening nung Oct. 26 at 30. Maganda ang pagtanggap sa kanila ng mga nakapanood na karamihan ay mga Japanese ang nasa audience, at very positive ang review ng mga press at industry professionals.
Ito ang kauna-unahang Pinoy film na nominated sa Ethical Film Award ng naturang international filmfest.
Maganda ang pagtanggap sa kanila ng audience nang humarap si direk Paul Soriano kasama ang lead actors na sina Mon Confiado at Enchong Dee sa kanilang Q&A session.
So far, ito raw ang pinakamagandang pelikulang nagawa ni direk Paul Soriano.
Nagpapasalamat si direk Paul sa media na nakakaunawa sa kanyang pananahimik sa gitna ng mga isyung hinarap niya.
Mas pinili niyang manahimik na lang muna at mag-focus sa pag-aalaga kay Baby Polly nila ni Toni Gonzaga.
“Toni and I are doing great, thanks for asking. The new baby (Polly) is such a wonderful blessing and a great addition to our family.
“Seve (the elder child) has now become a Kuya. Toni and I are now parents to two beautiful, healthy, and blessed children. We couldn’t be any happier,” sagot ni direk Paul sa tanong na ipinadala namin sa kanya.
Pagkatapos ng panganganak ni Toni, unti-unti na rin daw bumabalik ang actress/TV host sa showbiz.