Kathryn, mas matapang nang magpakita ng katawan!

Napaka-hot ni Kathryn Bernardo sa kanyang post kahapon.
Pinapakita nga ng A Very Good Girl actress ang kanyang pagiging very hot girl –super fit na pangangatawan habang niyayakap ang kalikasan. “One with nature,” aniya sa nasabing post.
Wala sa eksena si Daniel Padilla na umamin sa isang interview na naranasan niyang ma-burn out at kailangan niyang pag-isipan kung saan ang direction ng kanyang karera at personal na buhay.
Yup, ayon sa actor kailangan niyang alagaan ang kanyang personal na buhay at peace of mind. Kaya pumasok daw siya sa Zen mode – nanahimik at humiwalay sa kanyang sarili pero ngayon daw ay bumalik na ang sigla sa kanya.
Bukod kina Xian Lim and Kim Chiu, nababalita rin na diumano’y may pinagdaraanan sina Daniel at Kathryn though itinatanggi ito ng ibang taong malalapit sa kanila.
Luis, pinasilip ang pagiging daddy
Wow nakababa na sa bed ang daughter nina Luis Manzano and Jessy Mendiola na si Peanut.
Ang bilis lang ng panahon, malapit na kaagad itong mag-isang taon.
Anyway, tuluy-tuloy ang laugh trip habang nagkukuwento ang It’s Your Lucky Day host na kung paano niya binabalanse ang trabaho at buhay bilang ama sa anak na si Isabelle Rosie sa Tao Po ngayong Linggo (Nobyembre 5).
Malalaman din ni Bernadette ang lahat ng pinapangarap na proyekto ni Luis para sa hinaharap at ang mga tip na natanggap niya mula sa kanyang mga magulang sina Vilma Santos at Edu Manzano.
Mag-eensayo naman ang Kapamilya reporter na si Champ De Lunas kasama ang World Grappling Champion na si Fierre Afan, bilang paghahanda nito para sa World Combat Games sa Saudi Arabia. Pag-uusapan nila ang mga hamon na kinakaharap ng mga atleta sa kanilang pagtataguyod ng larong ito.
Samantala, pupunta si Kabayan Noli De Castro sa Nueva Ecija para kausapin si Jimmy Cacayan, na nagkamit ng tagumpay sa negosyo dahil sa cream dory. Ikinuwento ni Jimmy, na may limang anak, kung paano binago ng isdang ito ang buhay ng kanyang pamilya.
Mapapanood ang mga kwentong ito ngayong Linggo (Nov. 5) sa Tao Po mula 6:15 p.m. sa Kapamilya Channel, A2Z, Kapamilya Online Live, at ABS-CBN News Online.
Jessica Soho, kinilala sa TOFA Awards
Wow nadagdagan na naman ang collection ni GMA Network’s award-winning broadcast journalist Jessica Soho matapos ipagkaloob sa kanya ang prestigious Global Awards for Journalism sa ginanap 13th Annual The Outstanding Filipino Awards (TOFA) 2023 noong October 27, in Downtown Los Angeles, California.
Widely regarded as the Philippines’ most trusted and most awarded broadcast journalist, kinilala si Ms. Jessica para sa kanyang remarkable contributions to the worldwide Filipino media industry.
Nakilala sa hard-hitting investigative reporting and her commitment to telling the stories of ordinary Filipinos.
Sa loob ng halos four decades, nagkaroon ng malaking epekto ang kanyang trabaho sa mga Pilipino, sa pamamagitan ng kanyang award-winning na palabas, ang Kapuso Mo, Jessica Soho.
Tulad sa kanyang nabanggit sa speech : “By honoring me with this award, your organization also recognizes the work we do in the media, in Philippine journalism. Thank you. Maraming, maraming salamat po. I promise that for as long as I can, I will do my best to tell the story of our country and of our people. And never doubt the promise of stories to inspire, give hope, and change lives.”
Kasama sa mga awardee this year sina Atty. Leni Robredo, Chief Justice Alexander Gesmundo, Miss Universe 2022 R’Bonney Gabriel, the creative team behind Broadway’s Here Lies Love, and May Parsons, the first nurse to administer the COVID-19 vaccine in the UK.
The event was hosted by King of Talk Boy Abunda.
Ang TOFA Awards is one of the most prestigious awards ceremonies for Filipinos living abroad. It recognizes the outstanding contributions of Filipinos in various fields, including business, entertainment, law, and arts.
Bilang bahagi ng Filipino-American History Month celebration ngayong taon, ang GMA Pinoy TV ang exclusive media sponsor ng 13th Annual TOFA Awards, in partnership with the National Federation of Filipino American Associations (NaFFAA).
- Latest