‘Ex’ ni Francis Magalona, nangatwiran na walang nilabag na batas!

Nilinaw ng dating flight attendant na si Abegail Rait na wala siyang batas na nilalabag sa kanyang pakikipagrelasyon kay Francis Magalona noong nabubuhay pa ito.

Sa kanyang video na inilabas sa YouTube, she revealed na single raw ang status ni Francis nang makilala niya at hanggang sa mamatay ito.

“Sana may maglakas ng loob na sabihin na wala na sila ni Pia (Magalona, Francis’ wife) nu’ng dumating ako sa buhay niya,” saad ni Abegail.

“Dalaga po ako nu’ng naging kami ni Kiko. Wala na po siya sa family residence nila for years. And wala po akong na-violate na batas sa Pilipinas dahil single po ang marital status ng partner ko hanggang sa kinamatayan niya,” patuloy niya.

Ipinaliwanag din daw ni Kiko sa kanya ang sitwasyon nila sa simula pa lang.

“Ipinaliwanag po sa akin ni Kiko from the start what we are facing, documents will show, kaya ipinagpaalam niyan ‘yan sa Mommy ko at saka sa pamilya ko, sa lola ko,” lahad pa ni Abegail.

Matatandaang lumantad si Abegail at ang kanyang anak na si Gaile Francesca sa Pinoy Pawnstars video ni Boss Toyo nang ibenta ng mga ito ang memorabilia ni Francis.

Dito nga niya ini-reveal nagkaroon sila ng relasyon ni Francis at nagkaroon sila ng anak, si Gaile Francesca na ngayon ay 15 years old na.

Since then ay naging kontrobersyal na ang mag-ina at kasabay nito ay katakut-takot ding pangba-bash ang kanilang natanggap mula sa netizens at taga-showbiz.

Sharon at Kc, todo ang iyakan nang magkita ulit

Matagal palang hindi nagkita ang mag-inang Sharon Cuneta at KC Concepcion at first time nilang magkita after so many months sa rehearsal ng Dear Heart concert noong Oct. 26.

Ibinahagi ni Sharon ang video ng reunion nila ni KC sa rehearsal kung saan ay napaiyak na siya agad nang makitang paparating ang anak.

“When someone yelled ‘Mama!’ and I saw it was KC?Oct.26,2023. MOA Arena rehearsals for dear heart the concert,” ang caption ni Megastar.

Makikita sa video na parehong naging emosyonal sina KC at Sharon habang nagyayakapan at lumapit naman si Gabby Concepcion sa kanila para i-comfort ang mag-ina. At that moment ay para silang isang kumpleto at masayang pamilya.

Sa isa pang post ni Shawie ay nagbahagi pa siya ng iba pang detalye sa pagkikita nila ng anak.

Ayon kay Sharon ay sinorpresa siya ng kanyang panganay na anak nang bisitahin siya sa rehearsal at first time nilang magkita ulit since January.

“Oct.26,2023 - the night before our MOA Arena concert, KC surprised me while we were rehearsing…It was the first time I saw her again since my birthday on January 6…” kwento ni Mega.

“Buti that night siya dumating, kasi nag-iyakan kaming mag-ina sa pagkamiss sa isa’t isa…eh kung sa show kami mismo nagkita malamang di kami nakakanta!” patuloy niya.

Ayon pa kay Mega, kahit hindi naman daw sila nagkikita ay nagte-text-an sila at nagpapadalahan ng gift sa isa’t isa.

“KC will always be my baby #1 no matter how old we both get?I love you, Toot?And thank you again for my blinged-out thermos! I used it again in Okada. Unconditional always?“  sey pa ni Sharon.

Show comments