Ruru, bakal na ang katawan!
Pagkatapos ng pagganap niya bilang hired assassin sa First Yaya at First Lady, binigyan ng pinakamalaking kontrabida role si Jon Lucas sa Black Rider.
Si Jon ang magiging matinding kalaban ni Ruru Madrid sa action-serye ng GMA Public Affairs.
Ayon kay Jon, abangan daw ang fight scenes nila ni Ruru dahil kapwa raw nilang pinaghandaan ito physically and mentally.
“Sobrang matindi ang sabong ni Black Rider sa Golden Scorpion. Pinag-aralan namin nang husto ‘yung routine para hindi kami magkasakitan ni Ruru. Pero iba si Ruru, parang hindi nasasaktan! Bakal na ang katawan!” tawa pa ni Jon.
Proud naman si Ruru kay Jon dahil kapatid niya ito sa INC at hindi raw biro katapat ito sa fight scenes dahil mahusay kumilos at napakahusay na kontrabida.
Dragrace contestant, pasok na rider
Thankful ang DragRace PH season 1 contestant na si Turing na napasama siya sa Black Rider bilang pag-represent niya sa LGBTQIA community sa naturang serye.
Hindi raw glamourized drag queen ang role ni Turing, kundi tindera siya sa palengke named Cherry Pie kunsaan lagi niyang kasama sa eksena sina Yassi Pressman at Ms. Rio Locsin.
“Halos lahat ng eksena ko ay kasama si Yassi at Ms. Rio. Ang babait nila at ang huhusay umarte. This is my first time na umarte sa isang teleserye at napaligiran pa ako ng mga magaganda at magagaling na artista,” sey ni Turing.
Ikinatutuwa pa niya na nabibigyan na ng chance na napanood sa TV at pelikula ang sisters niya sa mundo ng drag para maipakita nila ang iba pa nilang talent.
“Mas nakikilala na kami as actors. Tulad ni Eva LeQueen na nakasama sa The Write One. Si KaladKaren naman nanalo ng award sa pelikula. Ang bongga lang kasi ‘di lang kami mga drag queens, kaya na rin namin sumabay sa pag-arte.”
Supermodel na si Heidi Klum, nangabog sa Halloween costume!
Pasabog ang Halloween costume ni Heidi Klum sa kanyang annual Halloween Party sa New York City.
This year, isang colorful peacock si Heidi at ang kanyang feathers at buntot ay performers ng Cirque de Soleil. And mister naman ni Heidi na si Tom Kaulitz ay suot ay malaking peacock egg.
Every year ay pabongga nang pabongga ang costumes ng 50-year-old supermodel at judge ng America’s Got Talent. Kaya siya tinawag na Queen of Halloween.
Sinimulan niya ito noong 2000 at mga naging costumes niya ay si Jessica Rabbit, Princess Fiona, Teen Wolf, Alien, Human Body, Indian Goddess, Cloned Heidi, Cleopatra, Giant Butterfly at isang Giant Rain Worm.
- Latest