^

Pang Movies

Baka raw sumunod kay Yen

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pang-masa
Baka raw sumunod kay Yen
Arra at Paolo

Arra, pinalalayo na kay Paolo!

Tsinek namin ang Instagram ni Arra San Agustin para makibalita sa feedback sa pagkaka-link niya kay Paolo Contis. Ayun, inunahan na ng netizens ang mangyayari at ang feeling nila, magkakainlaban ang dalawa na magkasama ngayon sa Eat Bulaga.

May mga unsolicited advice na kay Arra to stay away from Paolo dahil may Yen Santos ito at may isyu pa kina Lian Paz at LJ Reyes. Huwag daw siyang ma-in love kay Paolo, ‘wag siyang magpapadala sa mga matatamis nitong salita at mga kilos.

Nakakatawa lang ang ibang comment na baka pinabarang si Arra ni Paolo dahil sweet din siya rito. Baka raw may pinainom ito sa kanya at may nag-comment pa na ‘wag siyang magpapadala sa mga sulsol ng mga kasama niya sa EB na baka tinutukso siya kay Paolo.

Aliw rin ‘yung nag-comment na kay David Licauco na lang siya ma-in love dahil binata at walang girlfriend at walang sabit. Ipinamigay si David, ‘kaloka.

Pero, may shippers na rin sina Paolo at Arra, ang PAORA na siguradong nakatutok araw-araw sa EB para maging updates sa nangyayari sa dalawa. Sila ‘yung mga kinikilig at ‘yung TikTok nga na kini-kiss ni Paolo si Arra, umabot na sa 1.2 million ang views.

May naniniwala namang gumigimik lang sila para pag-usapan ang EB at para makahikayat ng more viewers. Hintayin natin ang mga susunod na mangyayari sa PAORA.

Iza, pinasa na sa anak ang ‘bato’

Ang cute ng baby girl ni Iza Calzado na sinuotan ng costume ng Darna noong

Halloween at ang mas nagpa-cute sa photo nito, wala siyang suot sa paa. Tinawag siya ni Iza na “Deia the Darna.”

Sa isa pang post, may parang letter si Iza sa anak at kinuwento na hindi niya alam kung paano bibihisan si Deia.

“I wasn’t sure if we were going to dress you up but I felt it would be memorable for your first Halloween. Dara was not at the top of my list. My first option, Amihan, would be too bulky for your age, others were hard to source out. Then the designers said they could make the Zora/Darna costume and I knew it was meant to be,” part ng caption/letter ni Iza sa anak at big hit ito sa netizens.

Cute ang P.S. ni Iza. “P.S. Thank you for not fussing when putting this costume on you. You made your mother’s day.

P.P.S. Hope you will be just as cooperative when we put you in an Amihan costume one day.”

Monsour, tinapos na ang 10 taong pamamahinga

Nagpasalamat sa GMA 7 si Monsour del Rosario dahil ibinalik siya sa telebisyon and after 10 years na hindi siya lumabas sa TV, muli siyang mapapanood sa action-packed series na Black Rider. Muli ring mapapanood ang husay niya sa action at isa sa aabangan ay ang fight scene nila ni Ruru Madrid.

Sabi ni Monsour, “Na-curious akong makita ang mga batang artista na nag-a-action. Ang sabi ko kay Ruru, alagaan ang career niya dahil malayo pa ang mararating niya bilang action star. I hope to do more work with him and the station,” ani Monsour.

May nag-comment sa cast na abangan ang mga eksenang sumisipa si Monsour dahil sa husay nito, parang hindi napahinga sa pag-arte at paggawa ng action stunts.

Isa lang si Monsour sa 32 main cast na kasama sa Black Rider na inaabangan na ang world premiere sa Nov. 6, 8 p.m., dahil bukod sa action-packed, pinagsasama-sama pa ang magagaling na action stars noong panahon nila.

PAOLO CONTIS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with