Christopher, namahinga sa pagkokontrabida   

Christopher

Magiging busy na sina Ate Vi (Vilma Santos) at Christopher de Leon sa pagpu-promote ng coming movie nilang When I Met You in Tokyo na entry sa 2023 Metro Manila Film Festival sa December.  Reunited sina Ate Vi at Boyet playing romantic lead roles sa movie. 

Iba naman ito sa madalas niyang pagganap ng villain roles in TV shows like Lolong and Batang Quiapo. Ngayon balik siya sa romantic lead role sa movie. 

Bro. Bo just celebrated his 67th birthday last Oct. 31 and he looks much younger than his age.

Credited din si Bro. Bo as an associate director ng movie, kasama ang dalawa pang directors na sina Rado Peru at Rommel Penesa, “isang simple love story, a feel good movie about relationships among people our age bracket now,” dagdag pa ni Bro. Bo.

Ruru, bibigyang-pugay ang delivery riders

Masayang nagpasalamat si Ruru Madrid sa Kapuso Network noong launch ng hard-action series niyang Black Rider dahil kitang-kitang pinagkagustusan na ang serye, simula pa lamang sa pinapanood na full-trailer nito.  “I’m really overwhelmed sa suporta ng lahat ng co-stars ko, lalo na ‘yung dating big lead actors natin na kasama ko ngayon dito tulad nina Monsour del Rosario, Raymart Santiago, Raymond Bagatsing, Zoren Legaspi, Roi Vinzon, Gary Estrada, Isko Moreno. Honored and thankful po ako sa inyong lahat.  Salamat po rin na bumalik muli ako sa primetime.”

Inamin ni Ruru, na mas malaki ang Black Rider kaysa una niyang ginawang action series na Lolong na kinunan nila during the pandemic kaya limited ang mga locations nila, hindi tulad ngayon.  Dito gagampanan ni Ruru ang role ni Elias Guerrero, isang delivery rider, at bibigyan pugay nila ang delivery riders ng grupo nilang Byaheros na makakasama niya nina Empoy Marquez, Janus del Prado at Rainier Castillo na magiging sidekick niya,

 Ang Black Rider ay sinasabing magpapaiba ng kulay ng GMA Primetime simula sa Lunes, Nov. 6, 8:00 p.m. after 24 Oras sa GMA 7.

Show comments