Sang’gre, ginawan ng ‘SCAM’

Walang isinasagawang audition ang GMA Network para sa coming Encantadia series na Sang’gre.

Sa announcement ng Sparkle GMA Artist Center, pinabulaanan nito ang nasa isang Facebook Page na ginagamit para sa audition.

Bahagi ng pahayag, “We would like to remind the public to be cautious when dealing with these scammers. It is important to note that neither Sparkle nor GMA will ever request money for the audition or ask for the submission of nude videos.”

Ipinagdiinan pa ng GMA na walang nagaganap na auditions para rito.

Naku, may cast reveal na para sa Sang’gre kaya huwag kayong paloko lalo na ang mga baguhan, huh!

Nakawan ng ‘NEWS,’ uso na rin

Bukod sa patuloy na pagkalat ng fake news sa social media, uso rin ang magnanakaw ng balita online nang hindi nagbibigay ng credit sa original owner ng news.

Gaya ng inilabas na exclusive convo ng Marites University host na si DJ JhaiHo last week.

Kinuha sa isang vlog ang exclusive statement ni Ricci Rivero kay Jhai. Buong-buo pa ang pahayag ni Ricci kaugnay ng kontroobersiyang kinasangkutan niya sa ex-GF na si Andrea Brilliantes. Sa pahayag na ito ng basketbolista, kinontra rin niya ang pahayag ng isang malapit kay Andrea.

Yet, ni ha, ni ho, walang credit kay Jhai at Marites University na pinagmulan ng pahayag, huh! Syofal ng fez!

Show comments