Tito at Joey, parehong may hugot sa desisyon ng korte?!

Joey de Leon

Magkasunod ang post nina Joey de Leon and Tito Sotto.

Si Joey ay may quote sa suot na t-shirt.

Si former senator Tito naman ay “You make a mistake once, forgivable. You make the same mistake twice, unforgivable!”

Pinag-uusapan na may koneksyon diumano ito sa ilalabas na decision sa Copyright Infringement and Unfair Competition under R.A. No. 8293 ( Intellectual Property Code of the Philippines, with Application for Issuance of a Writ of Preliminary Injunction ) ng E.A.T hosts sa Eat Bulaga / TAPE Inc.

Natapos na nga raw noong Oct. 23 ang hiring sa kasong ito sa Marikina Regional Trial Court Branch 273.

Ayon sa ilang sources, med­yo sumablay daw ang sagot ng ibang witness ng E.A.T -  lalo na nung tanungin ang ilang witness ng TVJ kung sino ang nagpapasweldo sa kanila na ang sagot daw ay sponsors / advertisers pero may inilabas diumanong dokumento ang inireklamo.

Anyway, any moment daw ay lalabas na ang resulta at abangan natin kung sino ang totoong nagwagi sa korte.

Candy naalala sina Direk Wenn, Choco at Phi sa pagsabay sa Undas ni Joey

Kabilang si Candy Pangilinan sa mga nag­luluksa sa pagpanaw ng actor / singer na si Joey Paras.

Post ni Candy : “Sumabay ka talaga sa eleksyon at humabol sa undas.

“Paki hello ako kay Direk Wenn, kay Phi, kay choco, at marami pang iba...

“Rest in peace my friend.

“My prayers are with you.

“You fought well...

“To all my friends, i love you all...,” ang kumpletong post ni Candy sa photo nila ni Joey.

Matagal ding nagtrabaho sa abroad at nagkaroon ng launching movie si Joey sa Viva Films, Bekikang: Ang Nanay Kong Beki noong 2013.

Ate Vi, may pakiusap sa mga bossing ng Kapamilya

Hmmm, palaisipan pa kung mapapanood ulit ang It’s Your Lucky Day sa pangunguna ni Luis Manzano.

Nauna nang sinabi ni Ate Vi na ipinagpi-pray niya na magkaroon ito ng extension.

At sa isang video kahapon ni Luis ay inulit nila ito : “Isa-shopping mo kami, mommy?”

Sagot ni Ate Vi, “Ha? Hindi, isa-shopping n’yo ko. Si Peanut lang.”

“Okay na ‘yun, okay na ‘yun,” sagot ni Jessy.

Hanggang humirit si Luis ng “Momski, katanungan. Gusto mo bang ibalik ang It’s Your Lucky Day?”

“Yes na yes, 200%. You know why, anak? Marami kayong napapaligaya. So, please, extend,” paikusap ng Star For All Seasons na magiging abala na sa pagpo-promote ng MMFF entry nilang When I Met You in Tokyo sa Kapamilya network management.

“Extend daw, extend. Hay, mae-extend ka ba?” hirit ulit ni Luis.

Sagot naman ni ate Vi, “Yes.”

Ang It’s Your Lucky Day ang pumalit sa It’s Showtime nang parusahan ito ng 12-day suspension ng MTRCB.

 

Show comments