^

Pang Movies

6th EDDYS ng SPEEd, inilipat sa November 26

TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis - Pang-masa
6th EDDYS ng SPEEd, inilipat sa November 26
Eric Quizon

MANILA, Philippines — Tuluy na tuloy na ang inaabangang ikaanim na edisyon ng The EDDYS o Entertainment Editors’ Choice ng Society of Philippine Entertainment Editors (SPEEd) ngayong taon.

Matapos ma-postpone ang nakatakda sanang awards night nitong nagdaang Oct. 22, inanunsyo na ng pamunuan ng SPEEd, sa pamamagitan ng Presidente nitong si Eugene Asis na magaganap na ang Gabi ng Parangal sa darating na Nov. 26, Linggo.

Gaganapin ito sa Aliw Theater, CCP Complex, Pasay City.

Ito’y mula sa direksyon ng award-winning actor-director na si Eric Quizon. Magsisilbing host naman ng awards night si Piolo Pascual.

Ang 6th edition ng The EDDYS ay ihahatid ng Airtime Marketing Philippines ni Tessie Celestino-Howard. Magkakaroon din ito ng delayed telecast sa A2Z Channel.

Sa inilabas na official statement ng SPEEd, sinabi ng presidente ng samahan ng mga entertainment editors sa bansa na kinailangang kanselahin pansamantala ang The EDDYS na unang naka-schedule noong Oct. 22 dahil sa ilang hindi inaasahang pangyayari na rin na hindi kontrolado ng organizer at producer.

Dahil dito, minabuting ilipat ng petsa at venue nito. Lubos ding humihingi ng paumanhin ang organizer at producer ng naturang event sa mga nominees, at ng iba pang involved sa produksyon at sa publikong naghihintay nito taun-taon.

Ang annual event na ito na mula sa samahan ng mga entertainment editors sa Pilipinas ay nagbibigay ng pagkilala at pagpapahalaga sa mga pelikula at personalidad na itinuturing na “best of the best” sa Philippine Cinema.

MTRCB, walang planong imbestigahan ang pagkain ng manok ni Vice

Pinabulaanan ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ang mga post sa social media na nagsasabing ipinatawag ng Board ang isang kilalang personalidad na lumabas kamakailan sa isang Television Commercial ng isang fast-food chain.

Diumano, ang mga paratang na ito ay may masamang hangarin at walang katotohanan.

Ayon sa kanilang inilabas na statement: “Sa panahon ng digital age, mahalaga na tiyakin kung tunay ang mga balita at maging mapanuri sa iba’t ibang sources ng impormasyon bago ito ipamahagi. Ipinapakita ng insidenteng ito ang kahalagahan ng Media literacy at Kritikal na pag-iisip.”

Dagdag pa nila: “Patuloy na sumusuporta ang MTRCB sa administrasyon ni Pangulong Marcos Jr. at sa Presidential Communications Office (PCO) sa kampanya nito laban sa disinformation at misinformation. Naniniwala kami na dapat nang wakasan ang Fake News at hayaan na ang katotohanan ang maghari.”

Si Vice Ganda ang tinutukoy na kilalang personalidad na kamakailan ay ini­lunsad ang commercial sa isang fast-food chain na parang ang style ng pagkain ng friend chicken ay ‘yung parang style sa pagdila nito sa cake na diumano’y isa sa mga naging dahilan upang parusahan ang programa nilang It’s Showtime na kababalik sa ere pagkatapos ng 12-day suspension ng MTRCB.

Kumalat ang pekeng balita sa MTRCB sa X (dating Twitter).

ERIC QUIZON

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with