Anji Salvacion, nagti-trending sa chakang acting!

Anji Salvacion

MANILA, Philippines — Nagtaka kami bakit laging nagti-trending itong si Anji Salvacion sa X.
May netizens kasi na hindi natutuwa sa partisipasyon niya sa drama series sa Amazon Prime na Linlang.

Ang intense kasi ng mga eksena ng nasa main cast na sina Kim Chiu, Paulo Avelino, JM de Guzman, kasama pa sina Maricel Soriano at Ruby Ruiz.

Gumaganap na kapatid dito ni Kim si Anji at may pa-love angle kina Anji at ang baguhang singer/actor na naging finalist sa Idol Philippines na si Kice So.

Ang dami nang nakapansin sa acting nilang dalawa na kulang na kulang pa.

Ang gagaling kasi ng nasa main cast lalo na si Paulo, kaya pagdating kina Anji at Kice ay lumalaylay.

Puwede naman daw silang tanggalin na lang dahil nakakagulo na lang daw sa takbo ng kuwento.

Sinusubaybayan namin itong Linlang, at maganda naman talaga.

Pero parang ang harsh naman kung pagdiskitahan ang pag-arte ng dalawang bata na alam naman ng lahat na bagito lang sila sa ganito kabigat na material ng isang drama series.

Hindi naman napapabayaan si Anji ng supporters nito. Sinasagot naman ng fans ng young actress ang bashing na binabato sa kanya.

May pinu-post sila sa X na Padayon Anji, kaya nag-trending ito sa X.

Yassi, nagpaalam kay Coco bago tinanggap si Ruru

Ang laki ng mga artistang sumusuporta kay Ruru Madrid sa bagong action-drama series niya sa GMA Public Affairs na Black Rider.

Kapansin-pansin ay galing sa Ang Probinsyano ni Coco Martin at naging close rin sa Kapamilya actor.

Nandiyan si Yassi Pressman na leading lady ni Ruru dito, kasali rin sina Raymart Santiago, Joem Bascon, Janus del Prado at pati si Empoy Marquez na naging bahagi ng longest-running teleserye ni Coco.

Sabi naman ni Yassi, bago raw niya tinanggap ang Black Rider, nagpaalam naman daw siya kay Cory Vidanes sa ABS-CBN at nagparating din siya ng mensahe kay Coco Martin.

May ilang kaibigan daw sila ni Coco na nakakasalamuha niya at nagparating daw siya ng mensahe sa Kapamilya Primetime King.

Sa Nov. 6 na magsisimula ang Black Rider at tinitiyak daw nilang ibang klase ng aksyon ang mapapanood nila rito.

Show comments