Jeric alalay Rabiya, nag-fangirl kay Lee Min-Ho!

Rabiya

Hindi lang basta fan ang ex-beauty queen-actress na si Rabiya Mateo kundi dedicated fan talaga siya.

Nag-fangirl ang karelasyon ng aktor na si Jeric Gonzales sa South Korean star na si Lee Min-ho.

Ibinahagi niya ang experience niya sa paghihintay sa K-actor sa loob ng mahigit dalawang oras para lang makita ito. Caption niya, “Lee Min Ho live in Manila
“Waited for more than 2 hours to see him.”

Nagpasalamat naman ang Royal Blood star sa boyfriend na si Jeric sa pagsuporta nito sa kanya sa pagfa-fangirl at bitbit niya ito sa event.

“Special thanks to @jericgonzales07 for being so supportive in my fangirling era.”

Kamakailan ay bumisita si Lee Min-ho sa bansa nang makiselebrayt ito ng anniversary ng kanyang endorsement na kilala sa kanyang mga palabas na Boys Over Flowers, Personal Taste, City Hunter, The Heirs, The King: The Eternal Monarch at iba pa.

Samantala, marami ang naka-relate kay Rabiya lalo na ang mga mahilig sa K-drama.

Show comments