John Lloyd idinetalye ang relasyon kay Isabel
Finally ay inamin na rin ni John Lloyd Cruz ang relasyon nila ng visual artist na si Isabel Santos.
Isa si Lloydie sa bigating guests ni King of Talk Boy Abunda sa Fast Talk with Boy Abunda para sa kanyang week-long birthday celebration sa nasabing programa ngayong linggo.
Inere ang guesting ni JLC last Tuesday, Oct. 24.
Sa tanong ni Kuya Boy kay Lloydie kung sino si Isabel sa buhay nito ay diretso itong sinagot ng aktor.
“Si Isabel ay girlfriend ko. Boyfriend niya ako,” ang natatawang sagot ni JLC.
Aniya, matagal na silang magkakilala ni Isabel.
“At the time na bago pa lang akong tumigil with ABS (CBN), napadpad ako sa pag-explore ng (arts). So gallery nila ‘yung una kong napasok,” kwento ni Lloydie.
“Sila ‘yung mga una kong nakilala, family nila, kung sino ‘yung mga patrons ng gallery nila. Ayun. Matagal na kaming magkakilala. We were talking before but hindi nag-evolve into something ideal for us at that time, Mula noon, present na rin siya sa buhay ko,” kwento ng aktor.
Tinanong ni Kuya Boy si Lloydie kung nakatulong ba si Isabel sa paniniwala niya sa marriage at sey ng aktor, “malaki.”
Aniya pa, “she’s very elemental sa mga ganyang bagay, sa kung paano namo-mold ‘yung kung ano man ‘yung lumalabas sa bibig ko, kung ano man ‘yung nabubuo sa isip ko, siyempre ‘yung consideration lagi for the two of us especially para sa kaniya laging nandoon.”
Matatandaang taong 2021 nang magsimulang matsismis sina Lloydie and Isabel nang mag-post ang dalaga ng larawan ng isang lalaki na inaalagaan ang kanyang aso. Bukod dito ay nag-post din siya ng picture ng aktor na nasa art gallery.
Si Isabel ay isang painter at mula sa pamilya ng artists. Apo siya ng award-winning painter at cartoonist na si Mauro Malang Santos.
KC excited maging narrator sa concert ng kanyang mama at papa
Grabe na ang excitement ni KC Concepcion dahil bukas na ang Dear Heart reunion concert ng magulang niyang sina Sharon Cuneta at Gabby Concepcion. Gaganapin ito sa SM Mall of Asia Arena.
Sa kanyang Instagram page ay ipinost ni KC ang mga childhood photos niya with her parents pati na ang old letter niya sa kanyang mommy.
Sa caption ay tila hindi pa rin makapaniwala ang dalaga na magsasama ang magulang niya finally sa isang proyekto.
“Sometimes talaga a fairytale will remain as a fairytale na lamang… Pero that’s okay! Thankful ako sa mga ‘silver lining’ natin in life,” ani KC.
“Imagine, 3 days nalang at magsasama na sila Mama and Papa in a musical celebration after so many years… May ganito pa palang pwedeng mangyari!!! ♥,”patuloy pa niya.
“Fairytale come true parin naman, diba?” aniya pa.
Marami naman ang na-touch sa letter sa kanyang ina na ipinost ni KC which she did when she was a child. It read: “Dear Mommy, I hope I can go with you now. I love you so much. I will write you always again okay, sana papa stays with us so we will be a complete family like what you said in your letter I love you so much talaga okay.”
Si KC ang magsisilbing narrator ng nasabing concert ng kanyang mama at papa!
- Latest