Andrea, ‘di pa pinapayagang mag-solo sa biyahe

Andrea Torres

Kahit na 33-years old na si Andrea Torres, hindi raw siya pinapayagan ng kanyang mga magulang na  magbiyahe sa ibang bansa na hindi kasama ang isa sa kanila.

Very strict daw ang parents ng Love Before Sunrise kontrabida.

Ilang beses na raw naisip ni Andrea na bumiyahe ng mag-isa, pero magiging issue raw iyon sa mommy at daddy niya.

“What if mag travel ako mag-isa, ano kaya mangyayari sa ‘kin? Saan ako pupunta? Maliligaw ba ako?” tawa pa niya.

Kinuwento pa ni Andrea na minsan na siyang sinubukan ng mommy niya noong bumiyahe sila pa-Japan.

“Nag-Japan kami tapos tinest ako ng mom ko, pinalapit niya ako sa isang stranger na may hawak na ‘Andrea Torres,’ sumama ako, tapos binigay ko ‘yung gamit ko,” tawa pa niya na nag-fail sa test dahil mabilis siyang nagtiwala sa taong hindi pa niya kilala ng lubusan.

Na-appreciate daw ni Andrea ang concern ng parents niya sa kanya. Ayaw daw kasi nilang maloloko at mapagnakawan ito kapag bumiyahe ito ng mag-isa.

Kapuso actor Bruno Gabriel, ikinasal na sa international model

Matagal nang hinahanap ng netizens ang Kapuso hunk na si Bruno Gabriel. Pagkatapos kasi ng tatlong teleserye ay bigla itong nawala sa eksena.

Papainit na sana ang career ni Bruno noong rumampa ito bilang isa sa celebrity endorsers ng Bench Body underwear noong 2018.

Pero mukhang wala na itong balak na bumalik sa showbiz dahil kinasal na ito sa kanyang fiancee na isang international model na si Yana Stolyarova.

Naganap ang civil wedding nila noong October 13 dito sa Pilipinas.

“Posting this for the record. More to reveal after our actual wedding celebration on November.  But here we are, legally married  23.10.23,” caption ni Bruno sa Instagram.

Si Bruno ay anak ng dating aktres at piloto na si Lani Lobangco. Tita naman niya si Rachel Lobangco. Kasalukuyang nag-aaral itong maging chef sa Center For Asian Culinary Studies.

Lumabas si Bruno sa mga GMA teleserye na Hahamakin Ang Lahat, Ang Forever Ko’y Ikaw at My Special Tatay.

Ariana at Ethan, lantad na ang relasyon

Pagkatapos ma-finalize ang divorce, malaya nang makipag-date in public si Ariana Grande sa boyfriend nitong si Ethan Slater.

Nakita ng TMZ ang dalawa sa kanilang intimate date sa MO Lounge inside the Mandarin Oriental Hotel in New York City noong October 21.

Nagkaroon ng amicable settlement sa pagitan ni Ariana at sa ex-husband niya na si Dalton Gomez na isang real estate agent.

Si Ethan naman ay on-going ang divorce sa wife of four years na si Lily Jay kung kanino meron siyang isang anak.

Nagkaroon ng sikretong relasyon sina Ariana at Ethan habang ginagawa nila ang pelikulang Wicked sa London.

Show comments