Can’t buy... nina Donny at Belle, ang ganda ng feedbacks

DonBelle

Ang bongga naman ng OPM singer na si Yeng Constantino dahil nabili na pala niya ang matagal nang pinapangarap na sasakyan.

Matagal na pala niyang napo-postpone ang pagbili ng kanyang dream car kaya naman ganoon na lamang ang tuwa niya nang mabili na ito at finlex sa social media.

Tinawag pa niya itong “Bunso” na tila tinuturing niyang parang anak.

Caption niya nang ibahagi niya ang litrato niya kasama ang sasakyan sa social media, “After many years ng “wag muna”, finally eto na sya. My dream car! Say hello to Bunso.” 

Kaya naman inulan siya ng pagbati mula sa mga kaibigan at mga tagahanga. Marami ang nag-agree na bagay na bagay nga sa misis ni Yan Asuncion ang kanyang dream car.

Kung may bunso siya, asan ang panganay?

Hahaha. Hay naku ito talaga ang nagagawa ng mga taong tumatanda.

Lahat na lang napapansin.

Basta ang susunod kong project, ang manood ng series nina Belle Mariano and Donny Pangilinan.

Ang ganda-ganda raw ng serye at baka relate raw ako sa character ni Nova Villa na isang lola na medyo may katigasan ang ulo.

Hahaha. Excited akong simulan ‘yan bilang ‘di pa rin naman ako pwedeng rumampa-rampa noh.

Show comments