Paul Salas, nakatanggap ng indecent proposal!
Bongga pala ang most shocking message na natanggap ng Kapuso hunk na si Paul Salas sa social media.
Ikinuwento ng dating child star kasama ang aktres at karelasyon na si Mikee Quintos sa The Boobay and Tekla Show ang pinaka-nakakawindang na mensaheng kanyang natanggap.
“Parang… ‘Can we have dinner tomorrow night?’ English. ‘Maybe P500,000 for a night’ parang ganon,” kwento niya.
Dagdag pa raw ng nagpadala ng mensahe ay walang makakaalam kung sakali tungkol dito.
Marami ang na-curious kung sino ito pero hindi naman daw niya kilala ang nag-message sa kanya dahil parang poser account lang daw ang ginamit at mukhang pinagtitripan lang siya.
Hindi naman imposible na may mga mag-offer ng ganoon kalaking halaga kay Paul dahil siguradong marami ang nagnanasa sa kanya lalo na tuwing nagpo-post siya ng kanyang daring photos.
Suportado naman siya ng girlfriend na si Mikee rito dahil nakasuporta lang daw siya kung saan masaya ang karelasyon.
Kaya naman inaabangan na ng fans kung kelan magpo-propose ang aktor na kailan lamang ay nagbakasyon sa Korea.
- Latest