Herlene Budol, worth P1 million ang inayos sa ‘katawan’
Given a chance gustong maging leading man ni Herlene Budol si Alden Richards, Coco Martin and Daniel Padilla.
Though ayaw sana niyang magsabi nung tanungin ko.
Consistent na mataas ang rating ng launching drama series niyang Magandang Dilag sa GMA 7 kaya nagkaroon ng extension.
Pero kahit ganun, pakiramdam daw niya ay wala pa siyang karapatang mamili ng makakatrabaho.
Bagama’t kung bibigyan nga raw siya ng chance, silang tatlo (Alden, Coco and Daniel) ang gusto niyang makatrabaho. “Siyempre mangangarap na po tayo ng mataas… si Alden sa GMA, si Coco Martin sa ABS-CBN at si Daniel Padilla ‘yung pinaka-ultimate crush ko talaga,” pag-amin ni Herlene sa aming interview last Thursday night sa event ng Spark Industries na exclusive distributor of worldwide brands for medical grade lasers, HA fillers and aesthetic threads.
“Actually lahat naman po ng artista nakaka-starstruck,” dagdag niyang pahayag.
Sa kasalukuyan ay mas tutok siya sa kanyang trabaho at mga negosyo.
Hindi na rin siya nagpapaapekto sa mga basher o sa mga nangmamata sa kanya. “Kahit hindi ka perfect basta ipagpatuloy mo ang ginagawa mo at ‘wag kang susuko kahit anong laban, dedmahin mo ‘yung mga nanlalait sa ‘yo,” sabi niya.
In fact, umaapaw na rin ang confidence niya. Halos wala na nga ang tatak hipon niya.
Kaya naman grateful si Herlene kay Dr. John Paul Pareja na nagbigay sa kanya kumbaga ng 200 % confidence.
“Yung pag-aalaga sa health ko. Kasi before wala naman akong ganyan-ganyan. Kung saan-saan lang ako nakikita ng mga tao. Ngayon pwede ko nang alagaan ang sarili ko.”
Dagdag niya pa : “Dati kasi 50/50 lang ako, kumbaga hindi ako ganun ka-confident, pero ngayon siyempre marunong ka nang mag-alaga sa katawan mo.”
Matindi ang naging pang-aalipusta noon sa kanya. Lalo na nung sumali si Herlene sa Binibining Pilipinas.
Na wala naman siyang ganda at katawan lang ang panlaban niya. Na hindi niya actually pinansin.
Ginamit niya ito para mas umangat pa raw siya.
Ngayon, apaw na ang confidence niya pero ayaw niya pa ring magbuhat ng bangko. “Ayokong purihin ang sarili ko, ayokong iangat ang sarili kong bangko,” komento niya.
Natutuwa rin siya ‘pag naalala niya ang pagiging hipon niya.
Sabi ni Doc John Paul at this point in time ay wala nang kailangan gawin kay Herlene.
“Sa tingin ko... we’re done,” sabi ni Doc.
And when asked kung worth how much magkaroon ng 200% confidence, “800,000 to P1 million.”
Pero wala nga siya binanggit kung anu-ano ‘yung pinagawa ng beauty queen / actress.
- Latest