Dingdong, pasok din sa Firefly!

Dingdong Dantes

MANILA, Philippines — Marami ang natuwa at na-excite nang malamang hindi lang apat kundi six additional entries ang kasama sa lineup ng 2023 Metro Manila Film Festival.

Nitong Martes nga ay kasama ang pelikula ng GMA Pictures at GMA Public Affairs na Firefly sa 10 official entries para sa inaabangang movie fest sa December.

Ang Firefly ay pagbibidahan nina Alessandra de Rossi at Sparkle child actor na si Euwenn Mikaell at may special participation ni Kapuso Primetime King Dingdong Dantes.

Si Zig Dulay ang director ng pelikula na isang ‘coming-of-age road trip drama’ tungkol sa isang batang naghahanap sa mythical island na tampok sa mga kwento ng kanyang ina.

Kasama pa sa pelikula sina Cherry Pie Picache, Epy Quizon, Yayo Aguila, Miguel Tanfelix, Ysabel Ortega, Max Collins, at Kokoy de Santos.

Jonathan Manalo, umani ng 22 nominasyon sa 36th Awit Awards

Nakatanggap ang Kapamilya artist, songwriter, at producer na si Jonathan Manalo ng 22 nominasyon sa 36th Awit Awards at ito na nga ang ikalimang taon na siya ang umani ng pinakamaraming nominasyon sa prestihiyosong music award-giving body.

Naging nominado ang ABS-CBN Music creative director sa 16 award categories ng Awit Awards noong 2016, 21 categories noong 2018, 22 categories noong 2019, at 26 categories noong 2020.

Kasama sa kanyang mga nominasyon ngayong taon ang mga prinodyus niyang album sa ilalim ng Star Music na pasok sa Album of the Year category: ang self-titled debut album ni Angela Ken at BE US album ng grupong BGYO. Siya rin ang producer ng dalawang Record of the Year nominees, ang Lagi ng BINI at Gusto Ko Nang Bumitaw ni Morissette na patuloy na namamayagpag sa TikTok kung saan may higit na sa 700 million views ang kanta.

Si Jonathan din ang nagprodyus ng 10 singles na nominado sa iba’t ibang kategorya, kasama na ang Best Christmas Recording nominee na Tayo Ang Ligaya Ng Isa’t Isa na inawit ng iba’t ibang ABS-CBN artists.

Bilang songwriter, nominado rin si Jonathan sa Best Inspirational Recording.

Nakatanggap din ng nominasyon mula sa Awit Awards si Jonathan bilang mang-aawit.

Tinatawag din bilang Mr. Music sa industriya, si Jonathan ay kinilalang National Commission for Culture & the Arts SUDI awardee para sa dekada 2011-2020. Nakapagprodyus at nakapaglunsad na siya ng higit sa 200 albums, umani ng 75 multi-platinum at 100 Gold PARI Certifications at most streamed Filipino songwriter at record producer of all time na may higit sa 1.5 billion Spotify streams ng musika na isinulat at prinodyus niya.

 

Show comments