^

Pang Movies

Master Rapper Francis Magalona may lumutang na anak sa flight attendant!

TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis - Pang-masa
Master Rapper Francis Magalona may lumutang na anak sa flight attendant!
Abigail at Francheska
STAR/ File

Souvenir na jersey binenta ng P500,000

May lumutang na ex si the late Master Rapper Francis Magalona.

Isang flight attendant, si Abigail Rait.

At diumano’y may anak sila, isang 15-year-old girl, na sumasayaw at kumakanta rin.

Naganap ang pagbubunyag ni Abigail sa YouTube channel ni Boss Toyo na isang kilalang vlogger (Pinoy Pawnstars).

Dito nga inilabas ni Abigail ang anak na ayon sa kanyang kuwento, 2006 o 2007 nag-umpisa ang kanilang relasyon nung nagkakilala sila sa Eat Bulaga.

Hanggang diumano’y nagbunga ang kanilang relasyon pero nung mga panahong ‘yun ay may sakit na diumano ang Master Rapper hanggang sa pumanaw ito   habang siya ay nagdadalantao pa sa kanilang anak.

At ang iniwang alaala raw ni Francis M sa kanila, isang jersey na naibenta niya ng P500,000, kay Boss Toyo. Ang nasabing jersey diumano ang naging premonition sa nangyari noon kay Francis M.

Aniya sinabi nito sa kanya na“Gusto kong maalala mo itong jersey na ito habang suot ko, para everytime na ma-miss mo ako, you just have to wear it or hug it, or place it beside you bago ka matulog,” pagbabalik-alaala ni Abigail sa YouTube channel ni Boss Toyo.

“So, ‘yun yung story ng shirt na ‘yan na para bang, early premonition na o i-keep mo ‘yan, that’s for you, that’s for our baby. And simula nung nasa hospital siya, lagi siyang tumatawag everyday, itatapat ko ‘yung phone sa tiyan ko. Kasi nanganak ako Sept. 8, so 8 months ‘yung tiyan ko.

“Gumuho talaga ‘yung mundo ko nung time na ‘yun kasi okay kami, ang dami naming plano, tapos bigla siyang nagkasakit. Tapos ‘yung pinakamahirap na part, ‘yung situation ko. Hindi ka puwedeng lumabas. Ayoko namang dagdagan pa dahil may sakit na.

“That’s the story of that shirt, na we exist–me and our daughter Cheska. He personally gave it to me,” paglalahad pa nito.

Nabanggit din niyang ang pangalang Gaile Francheska ay nanggaling mismo sa namayapang rapper.

Habang sinusulat namin ito ay walang reaction kahit sa social media ang pamilya ng nasirang si Francis M.

Pero marami na raw ang may alam tungkol dito noon pa.

In fact, inimbestigahan na raw ito ng Startalk ng GMA 7 noon pero nakiusap ang misis ni Francis na si Pia Magalona na ‘wag itong palakihin ng programa.

May mga nag-message na kay Pia kahapon pero seenzoned lang at wala raw itong reply.

At ang hamon ngayon ng netizens, magpa-DNA si Gaile para mabilis na matapos ang usap-usapan.

Bukas ang pahinang ito sa anumang pahayag ng magkabilang kampo.

vuukle comment

GAILE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with