Maraming bayarin...
‘Career’ na pala for Mariel Rodriguez ang pagiging online seller dahil hindi na lang mga pre-loved luxury item niya ang kanyang itinitinda. Marami na ring nagpapabenta sa kanya.
At kumikita raw ang bawat live selling ni Mariel, ayon sa isang source, ng P15 to P20 million.
Ganun diumano kalaki dahil ang mga tinda naman niya ay luxury items like Channel, Dior, Louis Vuitton among others na pawang pre-loved.
At may partner naman daw dito si Mariel hindi nito solo ang nasabing negosyo.
Saka ang advantage ni Mariel sa ibang online seller, lahat ng items niya ay authentic. Walang imitation.
May mga nabibiktima raw kasi ngayon ng online seller na fake items. Super class A raw ang binebenta na akala ng mga nabentahan ay authentic. Kaya’t ‘yun daw ang advantage si Mariel kaya marami siyang mga suking mahilig sa pre-loved luxury items na ang iba ay nakatira pa sa abroad.
Anyway, bukod sa mga luxury item may iba pang business ang former TV host at misis ni Sen. Robin Padilla. “Hopefully Monday we can go live for Luxury bags pag hindi pa ako yumaman sa mga pinag gagawa ko… ewan ko na lang!!! #pinakaMASIPAG #pinakaMARAMINGbayarin #2yearstopay see you!!!!!,” post niya kahapon.
Wala naman siyang binanggit kung ano ‘yung two years to pay na binabayaran niya.
Kapuso at Kapamilya, gagawa na rin ng pelikula
Una lang ang Unbreak My Heart sa maraming collaboration ng GMA 7 and ABS-CBN na dating magkalabang network sa bansa.
Mismong si Ms. Annette Gozon-Valdes ang nagsabi nito.
Bukod sa drama series, may partnership din sila sa pelikula,
Present ang top executive ng GMA sa ginanap na finale media conference ng Unbreak My Heart na last three weeks na.
Ano ‘yung next collab after Unbreak…? dagdag na tanong namin.
“Wala pang cast in stone but we’re hoping na meron pang collaborations.”
Kelan po ito? “Sana next year, sana may movie ‘di ba pati movies makagawa na. So nag-start na rin kami mag-usap so let’s see.”
Meron ka pong naiisip kung sino among Kapuso stars?
“Wala pa nga, eh, pero parang iniisip namin, si Barbie (Forteza), combined with one of their talents.”
Kinunan ang Unbreak My Heart sa Switzerland, Italy, at Pilipinas sa ilalim ng direksyon nina Emmanuel Q. Palo at Dolly Dulu at sa produksyon ng Dreamscape Entertainment.