MANILA, Philippines — May ka-live in na rin pala ang actress na naging maintriga ang naging pakikipaghiwalay sa mister.
Though equal naman daw sila ng ex dahil may ka-live na rin ito.
‘Yun nga lang lihim na lihim daw dahil legally married pa sila.
At ayaw raw ng eskandalo ng kanilang pamilya kaya low-key na lang ang lahat.
As if daw walang nangyayaring kontrobersya sa kanilang hiwalayan.
Showtime, nag-trending ang pagbabu
Malungkot pa rin ang ibang manonood ng It’s Showtime nang pansamantala silang magpaalam kahapon.
Papalit sa kanila ang It’s Your Lucky Day na ngayong araw na mag-uumpisa until Oct. 28.
“Abangan ninyo po bukas ang ‘It’s Your Lucky Day’ with Luis Manzano, Melai Cantiveros Francisco, Shaina Magdayao, Jennica Garcia, Seth (Fedelin) Francine (Diaz), Long Mejia, Negi, Petit at Tetay. At kami naman po sa aming pagbabalik Oct. 28. Magsasama-sama tayo muli para sa Mini Ms. U: The Cutest Finale.
“Kaya madlang people, we will be right back. Mami-miss namin kayo, pero mabilis lang ‘yan. Kaya magkita-kita tayo muli,” sabi ni Vhong Navarro.
Pinarusahan ng 12-day suspension ang It’s Showtime ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) dahil sa diumano’y reklamo particular na ang dilaan sa kamay ng cake ng magkarelasyong Vice Ganda and Ion Perez.
Vilma at Boyet, umaasang papasok sa MMFF
Kung si Vilma Santos ang nag-iisang Star For All Seasons sa showbiz industry, ang tambalan naman nila ni Christopher de Leon o ang Vi-Boyet loveteam ang masasabing Love Team For All Seasons.
Imagine, 48 years na pala ang kanilang loveteam na nagsimula nung 1975 sa pelikulang Tag-ulan Sa Tag-araw, na parang kailan lang.
Tinanggap ang Vi-Boyet loveteam since then.
Hanggang na-sustain ito ng mga blockbuster at award winning movies na pinagtambalan nila tulad ng Relasyon, Hanggang Ngayon Ika’y Minamahal, Minsan Pa Nating Hagkan Ang Nakaraan, Sinasamba Kita, Imortal, Dekada ‘70 at marami pang iba.
Huli silang nagkatambal sa pelikulang Mano Po 3 nung 2004.
Kaya naman tiyak na excited na ang lahat sa kanilang reunion sa pelikulang When I Met You In Tokyo ng JG Productions sa ilalim ng direksyon nina Direk Rado Peru, Direk Rommel Penesa at ni Christopher bilang associate director. Ang pelikula ay mula sa panulat ni Ms. Suzette Doctolero.
Sa true lang, kitang-kita at ramdam ng lahat na nandun pa rin ang chemistry sa tambalang Vi-Boyet na kahit si Ate Vi ay ramdam na ramdam.
At ang bongga sa When I Met You In Tokyo ay almost 95% ng mga eksena ay kinunan sa Japan kung saan isang buwan silang namalagi doon.
Isang OFW love story ito ng magkaibigan na nauwi sa pagmamahalan nung may edad na sila.
“Kung ano ‘yung nakikita n’yong acting namin sa age namin ngayon, ganito rin ‘yung makikita n’yo sa movie. ‘Di kami magbabata-bataan pero ‘di naman kami ‘yung uugod-ugod. Kung gaano kami kakalog ngayon, ito pa rin ‘yung makikita n’yo sa pelikula. Hindi porke’t sinabi namin it’s a matured, older love story, no, heto, kung ano kami ngayon heto ang makikita n’yo sa movie. I think it’s a matured love, intelihenteng love. Hindi ito ‘yung love na pang-teenager lang na type kita ngayon, bukas hindi. It’s more of you will feel a more matured and true love sa klase ng movie na ginawa namin. ‘Yun ang difference siguro,” pagpapatuloy ng Star For All Seasons.
“What we are going to show in this movie is a different kind of love, creative and quality love. Yung romance nung dalawang characters, it has no boundaries. Even if you’re much older than our age now, it doesn’t stop. If you watch the movie, you’re going to laugh and fall in love. Again in love there’s no boundaries, it will come,” patapos na pahayag naman ng aktor.
Umaasa ang marami na papasok ito sa eight official entries ng Metro Manila Film Festival ngayong taon.
Mga celeb, makikiselebrayt ng World Pandesal Day
Inaasahan ang pagdating ng maraming celebrity at customers sa oldest bakery sa bansa, 84-year-old Kamuning Bakery Café, sa taunang celebration ng annual #WorldPandesal Day on Oct. 16.
Ang kauna-unahang World Pandesal Day civic and cultural project ay inilunsad noong Oct. 16, 2015 at Kamuning Bakery Café in Quezon City sa pangunguna ng may-ari nitong si Wilson Flores with special guests GMA Network, Inc. Chairman Atty. Felipe Gozon, Senator Sonny Angara and National Youth Commission (NYC) Commissioner and actor Dingdong Dantes.
Kabilang naman sa top leaders who sent greetings to the annual World Pandesal Day include Vice-President Sara Duterte Carpio, Senator Sherwin Gatchalian and Quezon City Mayor Joy Belmonte.
Inaanyayahan ng annual #WorldPandesalDay celebration sa Oct. 16, 2023, Monday, 10 a.m. kung saan mamimigay sila ng 100,000 Pandesal breads, cheese, sardines, hams, juices and other foods to be given at 84-year-old Kamuning Bakery Cafe at Judge Jimenez Street corner K-1st Street, Barangay Kamuning, Quezon City.
Pangungunahan ng special guests ang bread-giving ceremony at Pandesal Forum will be Senate Agriculture & Food Committee Chairman Senator Cynthia A. Villar.