May branch na sa Paris ang fan club ni Heart Evangelista na Heart World in Paris at mga Filipinos working in Paris ang members.
Napanood namin ang video ng first official meeting ng members at marami sila. May isang parte ng wall ng apartment o bahay ba ‘yun na puno ng photos niya.
Makikita ring may male members ang fan club na na for sure, kasing active ng female members. Ang laki ng chance na makasama ng members ng Heart World Paris si Heart sa induction nila dahil madalas sa Paris si Heart at may apartment doon.
Sa nabasa naming comments, marami pa ang gustong sumali sa fan club at siguradong matutuwa siya nito. Hindi na lang sa Pilipinas siya may fan club, pati na sa Paris.
Speaking of Heart, ‘kaaliw basahin ang comments tungkol Versace plates niya na galing sa Opulence Design Concept.
Parang hindi ka na lang daw kakain kapag ‘yun ang plates mo, titingnan mo na lang. May kalakihan ang Versace plates, maraming food ang puwedeng ilagay, hindi magsisiksikan.
Isa pang pinansin ay ang Fendi dining table raw nito, lalo ka raw hindi kakain at titingnan na lang ang plates at dining table.
May pumansin naman na bakit kutsara at tinidor ang gamit niya? Ang gusto yatang makita ng nag-comment ay tinidor at kutsilyo, pero nakalimutan niyang nasa Pilipinas tayo at mas ginagamit ang tinidor at kutsara.
Gabby, wish maka-duet sina KC at Sharon
In-announce na nga ni Gabby Concepcion sa mediacon ng Gabay Guro happening on Oct. 14 sa Dolphy Theater na kasama si KC Concepcion sa Dear Heart concert nila ni Sharon Cuneta. Kaya sa Oct. 27, hindi lang sila ni Sharon ang mapapanood ng fans, pati na si KC.
Ang wish ni Gabby, magkaroon sila ng duet ni KC at magkaroon sila ng number nina KC at Sharon na mangyayari naman siguro. Para sa fans ang concert, kaya siguradong pasasayahin nila ang ShaGab fans.
Inilabas na rin ni Gabby ang merchandise ng Dear Heart concert, may t-shirt, tote bag at cap. Naglabas na rin si Sharon ng Mega light stick, pero wala pa ang ipinangakong solo na merch ni Gabby.
Anyway, hindi pa rin mape-preempt ang pagsasama nina Gabby at Sharon sa Dear Heart concert dahil parang hindi siya makakadalo sa Gabay Guro dahil may taping siya. Si Sharon ang siguradong dadalo dahil isa siya sa performers.
Kahit sa Dolphy Theater ang venue ng Gabay Guro this year, 100 percent pa rin ang effort nina Ms. Chaye Cabal-Revilla and her team na maging successful at masaya ang tribute sa teachers. Maraming raffle prizes, cash prizes at maraming papremyo at star-studded pa ang event sa rami ng celebrities.
Sabi ni Ms. Chaye, next year, babalik ang Gabay Guro sa SM MOA Arena o kaya ay sa Smart Araneta Coliseum para mas maraming teachers ang live na makadalo. This year, 200 teachers lang ang maa-accommodate sa Dolphy Theater at majority sa live streaming na mapapanood sa Facebook Page at YouTube channel ng Gabay Guro.