Sarah, ayaw pa-pressure sa pagbubuntis!
Maraming fans ni Sarah Geronimo ang nalungkot sa pagkaka-postpone ng concert nito kasama si Bamboo sa Clark, Pampanga.
Medical reason ang dahilan kung bakit hindi natuloy ang naturang concert. Inabisuhan daw si Sarah ng kanyang doktor na magpahinga muna.
Gusto nga raw bumalik din ni Sarah sa pag-arte, pero ngayon ay magiging busy sila ng mister niyang si Matteo Guidicelli sa pag-manage ng kakabukas lang na G Studios.
“Our vision, our dream has come to life. Of course, ang asawa ko malakas sa manifestation iyan eh. Nag-umpisa lang po ‘yan sa mga shoot namin na ginagawa namin during the lockdown. Nagkatotoo na nga. It was all kumbaga laro-laro lang during the pandemic. We started G Productions, which produces Sarah’s concerts also together with Viva. We decided to do a physical studio kasi wala pang studio dito sa south. This studio, we named it as the creative space in the south where collaborations with different artists, and nurturing different artists can take place,” sey ni Matteo.
Marami pa ring ang nag-aabang kung kelan magkakaroon ng sariling baby ang dalawa. Pero si Sarah, ayaw magpa-pressure sa pagkakaroon ng baby. Darating daw iyon sa tamang panahon.
Kate, palaban!
Pagkatapos ng Unica Hija, muling magbibida si Kate Valdez sa Philippine adaptation ng hit K-drama series na Shining Inheritance.
Ang Shining Inheritance ay kilala rin bilang Brilliant Legacy na napanood sa GMA Heart of Asia noong 2009.
Ibinahagi ni Kate na palaban ang kanyang gagampanang karakter sa Shining Inheritance.
“Palaban po ‘yung character ko rito pero hindi pakontrabidang palaban. Palaban siya because of survival instincts. Excited ako and I feel so blessed and happy na isa po ako sa napili na mag-portray ng isang role dito,” sey ni Kate.
Ayon pa kay Kate, kabilang sa kanyang gagawin na paghahanda para sa role niya sa serye ay ang pagsailalim sa acting workshop.
Makakasama ni Kate sa Shining Inheritance ay sina Kyline Alcantara, Michael Sager, Paul Salas, Glydel Mercado, Wendell Ramos, Aubrey Miles, Roxie Smith, Seth Dela Cruz, Charlize Ruth Reyes at Ms. Coney Reyes.
Top-rating sitcom, ire-reshoot ang finale matapos ang 25 taon
After 25 years ay nagpahiwatig ang American TV and stand-up comedian na si Jerry Seinfeld na may plano na muling i-reshoot ang finale ng kanyang top-rating sitcom na Seinfeld.
Umere for nine seasons ang Seinfeld mula 1989 to 1998. Ang two-part finale episode nila ay naging malaking disappointment sa maraming fans ng sitcom. Kaya nais na itama ito ni Jerry kasama ang iba pang cast members na sina Julia Louis-Dreyfus, Jason Alexander at Michael Richards. Magsisilbi rin daw reunion nila ang pag-reshoot ng finale episode.
- Latest