EJ Obiena, artistahin na ang dating

EJ Obiena

Saksi ang ilang entertainment press nang ibigay kahapon (October 10) ng Federation of Filipino Chinese Chambers of Commerce & Industry, Inc (FFCCII) ang tseke amouting to 5 million pesos sa gold medalist na si Ernest John “EJ” Obiena.

Si EJ ay isang pole vaulter na nag-uwi ng kauna-unahang gold medal sa Pilipinas in 37 years sa katatapos lamang na 19th Asian Games sa Hangzhou, China. He also ranks as the world’s no. 2 pole vaulter.

Nagbigay ng 5 milyong piso ang FFCCCII kay EJ bilang regalo at pasalamat sa atleta for winning the gold medal at bilang suporta na rin sa mga training nito para sa susunod na laban sa Paris Olympics 2024.

Pinangunahan ni FFCCCII President Dr. Cecilio K. Pedro ang ceremony na ginanap sa FFCCCII bulding sa Binondo.   “EJ Obiena is our Filipino Chinese community’s contribution to the Philippines, exemplifying our being ‘Dugong Tsino, Pusong Pinoy’ of cherishing our ethnic Chinese heritage and at the same time being full-pledged Filipino citizen helping Philippine progress,” pahayag ni Dr. Pedro.

Aside from the 5M pesos ay nagbigay pa ng additional P1M si FFCCCII Honorary President Ambassador Francis Chua kay EJ to support his Olympics campaign.

Labis-labis naman ang pasasalamat ng gold medalist sa nasabing organisasyon na bata pa man daw siya ay sinusuportahan na siya sa kanyang journey bilang atleta.

Sinabi rin ni EJ na ise-share niya rin ang perang natanggap sa kanyang buong team dahil hindi naman daw niya mararating ang lahat ng ito without the effort of his whole team, lalo na nga sa kanyang coach.

Bukod sa 6M na natanggap ni EJ sa FFCCCII, has also received P3 million from his high school alma mater Chiang Kai Shek a few days back and P1 million each from CKSC alumnus Carlos Chan of Oishi and businessman and Quanzhou Philippines Association President Anson Tan.

He is also set to receive P2 million from the Philippine Sports Commission as mandated by law and additional P1 million from the Philippine Olympic Committee.

Sa ceremony kahapon ay ramdam na ramdam na namin ang kasikatan ni EJ na halos lahat ng tao roon ay talagang gustong magpa-picture sa kanya.

In fairness, artistahin din ang looks ni EJ kaya hindi kami magtataka kung one of these days ay may mag-offer na rin sa kanya na pumasok sa showbiz.

Show comments