^

Pang Movies

Child star na si Xia Vigor naranasang magbukid noong pandemic

RATED A - Aster Amoyo - Pang-masa
Child star na si Xia Vigor naranasang magbukid noong pandemic
Xia Vigor

Matagal ding nawala sa sirkulasyon ang dating Filipina-British child star na si Xia Vigor na huling napanood sa local movie remake ng hit Korean movie na  Miracle in Cell No. 7 na pinagsamahan nila ni Aga Muhlach at nanguna sa  takilya sa 2019 Metro Manila Film Festival.

May mga naka-line up pa sana siyang ibang proyekto na gagawin pero ang mga ito’y hindi na natuloy dahil sa pandemic.  Kaya nag-desisyon ang kanyang mom na si Christy Bernardo na dalhin si Xia at nakatatanda nitong kapatid na si Liam sa kanyang hometown sa Mindoro para ma-experience umano ng mga bata ang buhay sa probinsya maging trabaho sa bukid at kasama na rito ang pagtatanim ng palay at pag-aararo na in-enjoy ng makapatid.

Tulad ng ibang celebrity kids, si Xia ay produkto rin ng isang broken family.

She was five at six naman ang brother niyang si Liam nang magkahiwalay ang kanyang parents.

Nang mapanood ni Xia ang Mini-Me segment ng It’s Showtime, kinulit niya ang kanyang mommy na gusto umano niyang sumali sa audition ng second season nito at pinagbigyan naman siya.  Sumali siya as Mini-Me ang American singer-actress na si Selena Gomez hanggang tanghalin siyang grand winner at siya’y nakapag-uwi ng P2.5M cash prize at isang house and lot in Bulacan.

Fast forward, sa kasalukuyan ay may ginagawa siyang movie kasama si Janno Gibbs.

Wala iyang planong iwanan ang showbiz kahit gusto ng kanyang ama na sa Englad siya mag-aral.

Freddie Webb, ayaw pang iwan ang pag-arte

Nasa peak pa ng kanyang paglalaro ang basketball icon, coach, actor-comedian, businessman at dating politician na si Freddie Webb showbiz.  Tumatak nang husto ang tambalan nila ni Nova Villa sa telebisyon sa pamamagitan ng weekly sitcom na Chicks to Chicks sa IBC-13 na naging Chika Chika Chicks nang sila’y lumipat sa bakuran ng ABS-CBN.  “Kakaiba ang naging rapport namin ni Nova,” pag-amin ni Freddie na sobrang hanga sa kanyang dating TV partner dahil sa pagiging mahusay nitong actress.

“Kahit walang script ay kayang mag-deliver ni Nova,” pagmamalaki pa ni Freddie.

Na-test ang pagiging ama ni Freddie nang madawit sa Vizconde Massacre ang isa sa kanyang anim na anak na si Hubert Webb na 15 years and 4 months nakulong.  “Sa loob ng fifteen years na nakakulong si Hubert, sa kulungan kami nagsi-celebrate ng Christmas and New Year,” pag-amin ni Freddie.

Si Hubert ay nakalaya nung December 14, 2010 along with his other co-accused, eleven days before Christmas. “That was the most memorable and meaningful Christmas we ever had,” pahayag pa niya.

Hubert has now his own family at matiwasay na namumuhay.

Except for Pinky Webb who remain single hanggang ngayon, the rest of his children ay may kani-kanya nang pamilya ngayon.

At 80, gusto pa rin ni Freddie umarte.

XIA VIGOR

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with