Zephanie, natakot umarte!

Zephanie

MANILA, Philippines — Marami nang realizations ang Kapuso star na si Zephanie tungkol sa ‘adulting’ at pagiging independent.

Natutunan niyang importante pa rin talaga ang makinig sa taong nakapaligid sa iyo kahit na pasok ka na sa pagiging adult at independent na.

Para sa kanya, hindi raw ibig sabihin na ‘pag independent na ay pagiging mag-isa o kaya nang mabuhay mag-isa. Mahalaga raw talaga na pakinggan ang pamilya na tunay na nagmamahal sa iyo.

“Ako po personally, being independent for me is not being alone and not being on your own na ikaw lang talaga. For me, ‘yung key po to parang magandang kalabasan ng independency is to still consider the opinion ng mga taong importante sa’yo, katulad ng pamilya mo at ng mga taong nakasama mo sa paglaki mo kasi you are who you are din naman po because of them,”

Iba pa rin daw ang kapag may gabay lao na ng mga magulang sa mga desisyon sa buhay lalo na ng kagaya niyang 20 years old pa lamang.

Samantala, hindi raw akalain ni Zephanie na papasukin niya ang pag-arte ngayon dahil napakamahiyain daw niya noon at takot pang umarte.

Pero ngayon ay mas nakikita na niya ang sarili na hahasain pa ang talento. Bongga.

Show comments